Aicelle Santos - Bilangin Ang Bituin Sa Langit (Theme from "Bilangin Ang Bituin Sa Langit") Lyrics

Lyrics Bilangin Ang Bituin Sa Langit (Theme from "Bilangin Ang Bituin Sa Langit") - Aicelle Santos



Nag-iisa sa gitna ng dilim
HIndi mawari paano maaatim
Hirap at pasakit na aking kinagisnan
Sa dasal na lang idaraan
Pag-ibig na sa akin ay pinagkait
Matatamo pa ba kahit na masakit
Mata'y puno ng luha kahit nakapikit
Pero tuloy ang buhay, tuloy ang awit
Bilangin ang bituin sa langit
Ganyan karami ang pag-asa natin
Magdasal ka lamang nang buong taimtim
Babaguhin ng Diyos ang kapalaran natin
Bilangin ang bituin sa langit
Langit man ay kakayaning abutin
Itigil na ang ating pagtitiis
Matatapos din ang bawat hinagpis
Pag-asa'y parating kaya't 'wag bibitiw
Magkasamang mararating ang araw
Saksi mga bituin sa pag-ibig nating ito
Oh titigil ang mundo pero hindi ang puso ko
Bilangin ang bituin sa langit
Ganyan karami ang pag-asa natin
Magdasal ka lamang nang buong taimtim
Babaguhin ng Diyos ang kapalaran natin
Bilangin ang bituin sa langit
Langit man ay kakayaning abutin
Itigil na ang ating pagtitiis
Matatapos na ang bawat hinagpis
Babaguhin ng Diyos ang kapalaran natin



Writer(s): Ann Margaret Figueroa


Aicelle Santos - Bilangin Ang Bituin Sa Langit (Theme from "Bilangin Ang Bituin Sa Langit")




Attention! Feel free to leave feedback.