Toto Sorioso feat. Lara Maigue - Pananatili - Batay Sa Ruth 1:16-17 Lyrics

Lyrics Pananatili - Batay Sa Ruth 1:16-17 - Toto Sorioso , Lara Maigue



Huwag mong naising lisanin kita
Wala kong hangaring ika'y mag-isa
Sa'n man magtungo ako'y sasabay
Magkabalikat sa paglalakbay
Mananahan sa tahanang sisilong sa'yo
Yayakapin ang landasin at bayan mo
Poon mo ay aking ipagbubunyi
At iibigin nang buong sarili
Sa'n man abutin ng paghahanap
Ikaw at ako'y magkasamang ganap
Ipahitulot nawa ng Panginoon
Ni kamataya'y malalaho, anino ng kahapon
Dahil pag-ibig ang alay sa'yo
Mananatili ako
Huwag nang naising tayo'y mawalay
Huwag nang isiping mag wawakas ang paglalakbay
Huwag mong naising lisanin kita
Wala kong hangaring ika'y mag-isa
Sa'n man magtungo ako'y sasabay
Magkabalikat sa aking paglalakbay
Mananahan sa tahanang sisilong sa'yo
Yayakapin ang landasin at bayan mo
Huwag mong naising lisanin kita



Writer(s): Noel Miranda


Toto Sorioso feat. Lara Maigue - Pananatili (Batay Sa Ruth 1:16-17)
Album Pananatili (Batay Sa Ruth 1:16-17)
date of release
14-02-2019



Attention! Feel free to leave feedback.