paroles de chanson Pag-Aalaala - Bukas Palad Music Ministry
Bayan muling magtipon, awitan ang Panginoon
Sa piging sariwain, pagliligtas Niya sa atin
Bayan ating alalahanin, panahong tayo'y inalipin
Nang ngalan Niya'y ating sambitin
Paanong 'di tayo lingapin
Bayan muling magtipon, awitan ang Panginoon
Sa piging sariwain, pagliligtas niya sa atin
Bayan, walang sawang purihin
Ang Poon nating mahabagin
Bayan, isayaw ang damdamin
Kandili Niya'y ating awitin
Bayan muling magtipon, awitan ang Panginoon
Sa piging sariwain, pagliligtas Niya sa atin
Sa piging sariwain, pagliligtas Niya sa atin

Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.