Joey Ayala - Wala Nang Tao Sa Sta. Filomena - traduction des paroles en anglais

Paroles et traduction Joey Ayala - Wala Nang Tao Sa Sta. Filomena




Wala Nang Tao Sa Sta. Filomena
Theres No One In Sta. Filomena
Nag-iisang lumilipad ang langay-langayan
The migratory bird flies alone
Anino n'ya'y tumatawid sa nanunuyong palayan
Its shadow crosses a parched rice field
Tanging sagot sa sigaw n'ya ay katahimikan
Silence is the only answer to its cry
At kaluskos ng hangin sa dahon
And the rustling of the wind in the leaves
'Sang ikot pa, huling sulyap mula sa ibabaw ng bayan
After another turn, a final glimpse from above the town
Mga kubong pinatatag ng nipa at kawayan
Huts reinforced with nipa and bamboo
Paalam na, paalam na ang awit ng langay-langayan
Farewell, farewell is the song of the migratory bird
Ngunit, walang nakasaksi sa palayo n'yang lutang
But, no one witnessed its distant flight
'Pagkat wala nang tao sa Sta. Filomena
Because there is no one in Sta. Filomena anymore
Walang aani sa alay ng lupa
No one to reap the land's offering
Nakayuko ang palay, tila bang nalulumbay
The rice stalks are bent, as if in sorrow
Tila bang naghihintay ng karit at ng kamay
As if waiting for the sickle and the hand
Nahihinog ang bunga ng mga mangga't bayabas
The mangoes and guavas ripen
Pinipitas ng hangin at sa lupa'y hinahampas
The wind plucks them and drops them to the ground
Sinisipsip ng araw ang tamis at katas
The sun sucks the sweetness and the juice
Iniiwan ang binhing umaasa
Leaving behind the seeds that wait
At pagdating ng tag-ulan sa pinaghasikan
And when the rainy season comes to the fields
Upang hugutin ang buhay mula sa kamatayan
To draw life from death
Muling dadaloy ang dugo sa ugat ng parang
Blood will flow again in the veins of the field
Subalit, ang lahat na 'to'y masasayang
But, all of this will be wasted
'Pagkat wala nang tao sa Sta. Filomena
Because there is no one in Sta. Filomena anymore
Walang aani sa alay ng lupa
No one to reap the land's offering
Ang palay ay nakayuko, tila bang sumusuko
The rice stalks are bent, as if surrendering
Naghahandog ng buhay sa karit at kamao
Offering their lives to the sickle and the fist
Lumilipad, sumisigaw ang langay-langayan
The migratory bird flies, calling out
Nasaan ka at bakit ka nagtatago, taumbayan?
Where are you and why are you hiding, my people?
Panahon na, panahon nang balikan ang iniwan
It is time, it is time to return to what you left behind
Dinggin natin ang tangis ng abang langay-langayan
Let us hear the cry of the pitiful migratory bird
Dinggin natin ang tangis ng abang langay-langayan
Let us hear the cry of the pitiful migratory bird





Writer(s): Jose Ayala


Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.