Mark Bautista - Ako'Y Maghihintay paroles de chanson

paroles de chanson Ako'Y Maghihintay - Mark Bautista



Alam kong ikaw ay bata pa walang malay sa mundo
Ngunit damdamin ko sa'yo'y tila nahuhulog
Hindi ko pa maaamin ang aking pagtingin
Huwag mo sanang mapansin ako'y naglalambing
Dahil hindi pa tamang panahon
Upang makita mo
Ang nilalaman nitong puso
Ako'y maghihintay lamang sa'yo
Hanggang umabot tayo sa takdang panahon
Magtitiis, magbibigay
Kahit umabot pang habang buhay
Ako'y maghihintay
Habang ako'y naghihintay, 'wag sanang magbago
Hindi ko kakayanin na ikaw ay lumayo
Darating din ang araw at sasabihin ko
Kung ano ang tunay kong nadarama sa'yo, oh
Ngunit hindi pa tamang panahon
Upang malaman mo
Ang sinisigaw nitong puso
Ako'y maghihintay lamang sa'yo
Hanggang umabot tayo sa takdang panahon
Magtitiis, magbibigay
Kahit umabot pang habang buhay
Ay hindi magbabago
Ang damdamin ko sa'yo
At balang araw ay magtatagpo
Ang mga puso, oh
Ako'y maghihintay lamang sa'yo
Hanggang umabot tayo sa takdang panahon
Magtitiis, magbibigay
Kahit umabot pang habang buhay
Ako'y maghihintay
Ako'y maghihintay



Writer(s): Wency Cornejo


Mark Bautista - Mark Bautista
Album Mark Bautista
date de sortie
12-11-2003




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.