Juan Miguel Severo - Ginawan ko Siya Ng Balsa (Spoken Word) - перевод текста песни на английский

Текст и перевод песни Juan Miguel Severo - Ginawan ko Siya Ng Balsa (Spoken Word)




Ginawan ko Siya Ng Balsa (Spoken Word)
I Built Her a Raft (Spoken Word)
Kung tatanungin ako kung paano siya nawala
If you ask me how I lost her,
Sasabihin kong
I'd say
Isipin mo ang unti-unting pagkupas ng isang kanta
imagine the gradual fading of a song.
Nagsimula ito isang gabi
It began one night,
Napansin kong masyado s'yang tahimik
I noticed her unusual silence,
Kaya pinatay ko ang radyo't siniguradong naririnig niya ako
so I turned off the radio, making sure she could hear me,
At kumupas ang sarili kong boses sa kanyang kawalang imik
and my own voice faded into her silence.
Bihira ang mga awit na biglang nagtatapos sa tuldok
Rare are the songs that end abruptly with a period,
Na biglang pumipreno mula sa kanyang harurot
that suddenly brake from their rush,
Sa birit pagkatapos ay biglang mawawala
that hit a high note then suddenly disappear.
Noong lumipas ang isang buong araw
When a whole day passed
Nang wala akong naririnig mula sa kanya
without a word from her,
Hininaan ng DJ sa radyo ang boses kong bigay na bigay pa ring binibirit ang koro
the DJ on the radio lowered my voice, still giving my all belting out the chorus,
Para magbigay daan sa bagong kanta
to make way for a new song.
Walang pwedeng magsabing hindi ko 'to nilaban
No one can say I didn't fight for it,
Ang pagpapadala ng mga mensaheng paalala na nand'yan ka pa
sending messages reminding you that I'm still here,
Sa isang taong hindi sumasagot
to someone who doesn't respond.
Ay parang pagsigaw ng saklolo sa laot sa gitna ng pagkalunod
It's like screaming for help in the middle of the ocean as you drown.
Ni hindi ko alam kung nandoon pa ba siya sa kanyang pampang
I didn't even know if she was still there on her side.
Minsan, nagpunta kami sa tabing dagat kasama ng ilan kong kaibigan
Once, we went to the beach with some friends,
At sinugod niya't dagliang niyakap ang alon
and she rushed towards the waves and embraced them,
Na para bang nobyong kay tagal na nalayo sa kanyang minamahal
like a lover who'd been separated from their beloved for so long.
Pagkagat ng dilim
As darkness fell,
Nag-inuman kami't tinanong ko siya kung anong gusto niyang maging
we had drinks, and I asked her what she wanted to become.
Siguro sa kalasangin kaya't sinabi niyang, "dagat"
Perhaps it was the drunkenness, because she said, "the sea."
Nais ko sanang sabihing ako rin
I wanted to say that I, too,
Nais ko sanang sabihin
I wanted to say
Na gusto kong madama niya ang aking alat sa kanyang dila
that I wanted her to taste my salt on her tongue.
Gusto kong ikumot sa kanya itong lamig
I wanted to wrap her in this cold.
Gusto kong salubungin niya ako ng may pagsuko
I wanted her to meet me with surrender.
Gusto kong languyin niya ako at hindi ko siya lulunurin
I wanted her to swim in me, and I wouldn't drown her.
Hindi ko siya kayang sisihin
I couldn't blame her.
'Di ko maaatim na siya'y isumpa
I couldn't bear to curse her.
Kahit no'ng umagang 'yon na inalay ko ang pilas kong mga bahagi sa kanya
Even that morning when I offered my peeled parts to her,
Na parang mga sigay na pinulot sa dalampasigan
like seashells picked up on the shore,
At nakakuha sa wakas ng sagot
and finally got an answer.
Walang nabuong kasunduan
There was no agreement forged.
Hindi nabigyang pangalan ang mga tingin
Our glances were never given names.
Isinauli ko ang sarili ko sa mga alon
I returned myself to the waves.
Ginawan ko s'ya ng balsa
I built her a raft.
Isinulat ko sa buhangin ang isang panalangin
I wrote a prayer on the sand.
Aking maglalayag
I will sail away.
Ako ang katas ng niyog sa kanyang tubig tabang
I am the coconut milk in her freshwater.
Ako ang pinong buhangin sa kanyang aspaltong daan
I am the fine sand on her asphalt road.
Ako ang preskong hangin sa kanyang alimuom at alinsangan
I am the fresh air in her fumes and humidity.
Ako ang bakasyon, siya ang kalungsuran
I am the vacation, she is the city.
Mapapagod ka sa kanyang tugtugin at hahanapin mo ako balang araw
You'll get tired of her music and you'll search for me someday.
Pangako 'yan sa'yo, aking maglalayag
That's a promise to you, my love, I will sail away.
Kung sa laot na kay lawak, ikaw ay maligaw
If you get lost in the vastness of the sea,
Magbalik ka sa akin
come back to me.
Kung ang susunod na pulo ma'y di matanaw
If you can't see the next island,
Magbalik ka sa akin
come back to me.
Kung magbanta ang mga ulap na abot tanaw
If the clouds threaten, reaching across the horizon,
Magbalik sa akin
come back to me.
Kung abutin ka ng gabi't kumutan ng ginaw
If night falls and you're covered in cold,
Sindihan mo ang pabaon kong gasera
light the kerosene lamp I gave you.
Pihitin mo ang sagwan
Turn the oar.
Magbalik ka sa akin
Come back to me.
Minsan, noong nakabalik na kami sa siyudad
Once, when we were back in the city,
Matapos kong sa wakas ay magtapat
after I finally confessed,
Pinaawit niya ako ng mga paborito niyang kanta
she sang me her favorite songs.
Pinakapa niya sa'kin ang tipa nila sa gitara
She strummed her guitar for me,
At sa gitna ng pagtugtog
and in the middle of playing,
Ay hinawi niya ang kurtina ng buhok sa aking mga mata at ngumiti
she brushed the hair away from my eyes and smiled,
Na parang may pangako ng hindi paglayo
as if promising not to leave.
Agad din siyang tumayo
She quickly stood up,
Bumalik sa paglalakad
went back to walking.
Aking maglalayag
I will sail away.
Kung ang pagmamahal sa 'di maaaring manatili ang aking sumpa
If loving something that cannot stay is my curse,
Bigyan sana ako ng mga bathala ng isla
may the gods give me an island,
O kung marapatin nilang ikulong ako sa siyudad
or if they deem to confine me to the city,
Isang kabibe
a seashell,
'Yong makukopkop ko sa aking palad
that I can cup in my hand,
'Yong madidikit ko sa aking tainga
that I can press against my ear,
'Yong aalayan ako ng awit ng dagat
that will gift me with the song of the sea,
Na kahit kailan, hindi matatapos
that will never, ever end.





Авторы: Juan Miguel Severo


Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.