December Avenue - Sa Paghimig Mo текст песни

Текст песни Sa Paghimig Mo - December Avenue



Sa paghimig mo'y natutunaw ang lahat
'Di na baleng masayang basta't mapagmasdan
Hinahanap ko ang iyong pag-ngiti
Natutunang masanay na ika'y mahalin
Damhin ang aking lambing
Yayakapin ka sa 'yong paghimbing
Abot-langit ang pagsamo
Sayo'y hindi magbabago
Damdamin at ang aking mundo'y iikot lamang sa 'yo
Dinggin mo ang pag-amin kong
Puso'y nagimbal na lamang sa paghimig mo
Sa pagtitig mo'y napapawi ang kaba
Nahuhulog na lamang sa iyong kagandahang
'Di mapantayan kahit na sino man
Natutunang masanay na ika'y mahalin
Damhin ang aking lambing
Yayakapin ka sa 'yong paghimbing
Abot-langit ang pagsamo
Sayo'y hindi magbabago
Damdamin at ang aking mundo'y iikot lamang sa 'yo
Dinggin mo ang pag-amin kong
Puso'y nagimbal na lamang sa paghimig mo
At sa muling paglipas ng umaga
Ako'y mananabik sa 'yong iniwang alaala
Pagbangon mo'y karipas ang bilis
Hindi na marinig ang paghimig mo
Damdamin at ang aking mundo'y iikot lamang sa 'yo
Dinggin mo ang pag-amin kong
Puso'y nagimbal na lamang sa paghimig mo, oh
Puso'y nagimbal na lamang sa paghimig mo



Авторы: Don Gregorio, Gelo Cruz, Jem Manuel, Jet Danao, Ronzel Bautista


December Avenue - Sa Paghimig Mo - Single
Альбом Sa Paghimig Mo - Single
дата релиза
21-12-2019




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.