Abaddon - Isang Buhay Pt. 2 Lyrics

Lyrics Isang Buhay Pt. 2 - Abaddon



Naging tupang itim, dumaan din sa dilim
Dumating din sa puntong muntikan nang mapa-aaga ang paglibing
Naging sakim, puro pansariling kasiyahan ang napapansin
Napasama lang noong minsan nakatikim
Matagal na panahong naging praning
At inakala ko noon isa akong magaling
Ngunit bigla akong nagising
Takbo 'ko nang takbo pero wala pala akong narating
Hanggang sa natutunan ko ang halaga ng aking buhay
Binago ang mga gustong gawin
Paulit-ulit tinanong ang sarili sa harapan ng salamin
Pinalaya ko ang tunay na salarin
Hinayaan kong matutunan niya kung pa'no itama ang mali
Mga 'di madali ay harapin
Bahala na kung sa'n ako nito dalhin
Basta't sinimulan ko kung papa'no ang sarili'y mahalin
'Sang buhay na may pag-ibig
Sa sarili, sa pamilya, para sa kapwa't mga tropa
'Yan ang kailangan ko, kailangan mo
Kailangan niya, kailangan nila at ng buong mundo
Natuto nang sarili'y mahalin
At gamitin sa tama ang pagkataong matalim
Ang bawat aral ng buhay minabuti na lasapin
Mahirap man o madali, walang tanggi na kagatin
Aminadong 'di perpekto
At para sa iba ay isa lang maliit na insekto
Gamit ang aking talento
Kahit sa ilang lang sana'y maging isang magandang ehemplo
At maging inspirasyon sa mga tropang nasa loob
At labas nitong aking sirkulasyon
Mga nasulat kong tugmang kayang magmulat ng matang makasara
Sana'y ituring niyong leksyon
Kahit nakakatawa para sa iba, heto lang ang paraan na aking dala
Pagsaluhan niyo ang awit kong hain
Ituring ulam at kanin para ang pag-ibig ko sa kapwa ay maipadama
'Sang buhay na may pag-ibig
Sa sarili, sa pamilya, para sa kapwa't mga tropa
'Yan ang kailangan ko, kailangan mo
Kailangan niya, kailangan nila at ng buong mundo
Wala namang mawawala kung ang pag-ibig ay ibuhos
'Di naman 'to mauubos
Para sa sarili, sa pamilya, sa kapwa at tropa
Mula sa taong minsang palasuway sa sampung utos
Baguhin ang sarili para sa iba
Libre lang naman at mahirap lang 'to sa umpisa
Mabuti nang sa kanan makinig kaysa do'n sa isa sa pagmahal
Oo, mas tama lang na ma-obliga
Nakakatakot dumating ang panahon na matanda ka na't wala ka nang pag-asa
Nasayang lang ang mga pagkakataon na binigay at masasabi mo na lang
Na "kung mababalik ko lang sana" kaya't bigyang halaga ang buhay
Itago mo na ang iyong buntot at sungay
Tumayo sa hukay, bigyan ng kapanatagan
Ang mga taong sa 'yo'y nagmamahal nang tunay
'Sang buhay na may pag-ibig
Sa sarili, sa pamilya, para sa kapwa't mga tropa
'Yan ang kailangan ko, kailangan mo
Kailangan niya, kailangan nila at ng buong mundo
'Sang buhay na may pag-ibig
Sa sarili, sa pamilya, para sa kapwa't mga tropa
'Yan ang kailangan ko, kailangan mo
Kailangan niya, kailangan nila at ng buong mundo



Writer(s): VENZON MALUBAY


Abaddon - Rap Lang Ng Rap
Album Rap Lang Ng Rap
date of release
26-02-2016




Attention! Feel free to leave feedback.