Dingdong Avanzado - Limutin Ka (feat. Gloc-9) Lyrics

Lyrics Limutin Ka (feat. Gloc-9) - Dingdong Avanzado



Parang guniguni, ako'y nandito sa tabi
Habang yosi lang nang yosi, bakit 'di mapakali?
Bakit nagkaganito? Parang ang aga nito
Hawak-hawak ang bakal, ilan ba ang bala nito?
Hating-gabi, 'di mapakali
Aking naiisip kung sino ba'ng iyong katabi?
'Di maintindihan ang nararamdaman
Patuloy ang laban ng aking puso't isipan
Magmula nang tayo ay 'di na nagkita
At nahuli kang kasama ng iba
Bakit ba 'di maalis sa 'king isipan?
Palagi lang ganyan, nababaliw na ba?
Nais kong limutin ka at nais kong umiwas na
Ngunit bakit ba patuloy pa kaya?
Na ikaw ang nasa isip ko at hindi pa rin nagbabago
Ang tunay na damdamin ko sa 'yo
Tila kailan lang ng ating sumpaan
Magmamahalan nang tapat, magpakailaman
Ngunit bakit ganyan? (Bakit ganyan?)
Ako'y 'yong iniwan ('yong iniwan)
Pag-ibig na wagas at tunay, naglaho nang bigla
Bawat sandaling wala ka sa 'king piling
Hinahanap ang yakap mo't halik
Bakit ba nalilito ang aking isip?
Palagi lang ganyan, nababaliw na nga
Nais kong limutin ka at nais kong umiwas na
Ngunit bakit ba patuloy pa kaya?
Na ikaw ang nasa isip ko at hindi pa rin nagbabago
Ang tunay na damdamin ko sa 'yo, oh, whoa
Buong akala ko noon, ikaw ang ihaharap ko sa Poon
Bakit lahat ng pangako ay nasa loob ng ataol na binaon?
"Bakit nagagalit ka?" 'Yan ang tanong mo sa akin no'ng mahuli kita
Ano sa palagay mo dapat na gawin na malaman kong malansa ka pa sa talaba?
Teka muna, lumapit ka, bakit pa? Tama na, ayaw ko na maakit pa
Parang 'di na kita kilala kasi nagbabalat-kayo kaya siguro pumangit ka
Bakit nagkaganito? Sabihin mo, parang ang aga nito
Ang oras ay tila gumaganti, hawak ang bakal, ilan ba ang bala nito? Sige (oh, whoa)
Parang guniguni, ako'y nandito sa tabi (nais kong limutin ka)
Habang yosi lang nang yosi, bakit 'di mapakali? (At nais kong umiwas na)
Bakit nagkaganito? Parang ang aga nito (ngunit bakit ba patuloy pa kaya?)
Hawak-hawak ang bakal, ilan ba ang bala nito?
Parang guniguni, ako'y nandito sa tabi (na ikaw ang nasa isip ko)
Habang yosi lang nang yosi, bakit 'di mapakali? (At hindi pa rin nagbabago)
Bakit nagkaganito? Parang ang aga nito (ang tunay na damdamin ko sa 'yo)
Hawak-hawak ang bakal, ilan ba ang bala nito? (Whoa, oh)



Writer(s): Aristotle Pollisco, Elmer B Blancaflor, Fernando V Avanzado


Dingdong Avanzado - Limutin Ka
Album Limutin Ka
date of release
06-03-2020



Attention! Feel free to leave feedback.