Dong Abay - Perpekto Lyrics

Lyrics Perpekto - Dong Abay



Ikaw ay nagdaramdam, puso ay nagdurugo
Hindi mo yata alam kung sa′n ka patungo
Ikaw ay naliligaw, isip ay nalilito
Ayaw mo nang gumalaw, hindi ka sigurado
Ikaw ay napupuwing, minsan nabubulagan
Mata ay nakapiring, daan ay kadiliman
Ikaw ay nadadapa, napipilayan din
'Di makapagsalita, ano′ng ibig sabihin?
Wala, wala namang...
Wala namang perpektong tao
Ano ba ang epekto kung mayro'n kang depekto?
Ano ba ang epekto kung mayro'n kang depekto?
Ano ba ang epekto kung mayro′n kang depekto?
Ano ba ang epekto kung mayro′n kang depekto?
Ikaw ay nawawala, minsan ay nawawalan
'Di ka naniniwala, puno ng alinlangan
Ikaw ay nanliliit, ligtas ka ba sa rehas?
Bakit ka nakapiit? Bakit ka tumatakas?
Ikaw ay natatakot, parang walang hangganan
Ang kirot ng bangungot, ′di mo makalimutan
Ikaw ay nanlulumo, bilang na ba ang araw?
Gusto mo nang sumuko, mundo kong nagugunaw
Wala, wala namang...
Wala namang perpektong tao
Ano ba ang epekto kung mayro'n kang depekto?
Ano ba ang epekto kung mayro′n kang depekto?
Ano ba ang epekto kung mayro'n kang depekto?
Ano ba ang epekto kung mayro′n kang depekto?
Ikaw ay inaalon, walang kalaban-laban
Tuluyang nalulunod tungo sa kalaliman
Ikaw ay nalulula, agad kang nahuhulog
Bumabagsak sa lupa at biglang madudurog
Ikaw ay nagdurusa, kaya pa bang tumagal?
Hindi na makahinga, lalo pang nasasakal
Ikaw ay dumadaing, dala mo ba ay sumpa?
Para kang nililibing at ipinagluluksa
Wala, wala namang...
Wala namang perpektong tao
Ano ba ang epekto kung mayro'n kang depekto?
Ano ba ang epekto kung mayro'n kang depekto?
Ano ba ang epekto kung mayro′n kang depekto?
Ano ba ang epekto kung mayro′n kang depekto?
Wala, wala namang...
Wala namang perpekto
Ano ba ang epekto kung mayro'n kang depekto?
Wala namang perpektong tao




Dong Abay - Flipino
Album Flipino
date of release
05-05-2006




Attention! Feel free to leave feedback.