Erik Santos - 'Pag Napagod Ang Puso Lyrics

Lyrics 'Pag Napagod Ang Puso - Erik Santos



'Di nga ba't halos tayo nang dalawa?
Bigla kang nag-iba mula no'ng dumating siya
At kahit napilitan na ikaw ay layuan
Kailanman ay hinding-hindi kita iniwan
Ilang ulit mo na siyang iniyakan
Masakit sa akin na makita kang nasasaktan
At 'pag napagod na ang puso mo, nandito lang ako
Naghihintay, nagbabantay na muli mong balikan
Karamay sa lungkot, hingahan ng sama ng loob
'Pag wala na ang sakit, sana ako ang ipalit
'Pag napagod na ang puso mo, nandito lang ako
Kung pwede lang kitang agawin sa kanya
Upang ang puso mo ay makapagpahinga
Pag-ibig ko ang sasagip sa magulo mong daigdig
Ayoko nang makita kang nasasaktan
At 'pag napagod na ang puso mo, nandito lang ako
Naghihintay, nagbabantay na muli mong balikan
Karamay sa lungkot, hingahan ng sama ng loob
'Pag wala na ang sakit, sana ako ang ipalit
'Pag napagod na ang puso mo, nandito lang ako
Naghihintay, nagbabantay na muli mong balikan
Karamay sa lungkot, hingahan ng sama ng loob
'Pag wala na ang sakit, sana ako ang ipalit
'Pag napagod na ang puso mo, nandito lang ako



Writer(s): Soc Villanueva


Erik Santos - Champion Reborn
Album Champion Reborn
date of release
13-11-2015




Attention! Feel free to leave feedback.