Gary Valenciano - Hindi Ka Papanaw Lyrics

Lyrics Hindi Ka Papanaw - Gary Valenciano



Ang puno mo ay nabubuhay nang daang taon
Ang ilog ay habang-buhay na dumadaloy
Mga batang minamahal mo
Nakatanaw sa bukas
Ngunit ikaw ay wala na
Isang dahong nalagas
Na alaala ko kailanma'y
Hindi ka pa papanaw
Akala ko ay inyong sigla'y
Walang katapusan
Katulad ng isang bukal
Na di natutuyuan
Katulad sa langit
Na walang hangganan
Hindi ka papanaw
Hindi ka umaayaw
Hangga't mga bituin
Ang hindi nabibilang
At tulad sa araw
Na hawak mo sa iyong kamay
Alab mo ay hindi mapapawi
Hindi ka papanaw
Pinakita mo sa akin
Sarili kong kinang
Anu man ang pangarapin
Ay kaya kong gawin
Magmahal at mangarap
Nang malaki at malawak
Dahil sabi mo kaya nating lumipad
Hindi ka papanaw
Hindi ka umaayaw
Hangga't mga bituin
Ang hindi nabibilang
At tulad sa araw
Na hawak mo sa iyong kamay
Alab mo ay hindi mapapawi
Hindi ka papanaw
Ang pamana mong ito'y
Hindi maglalaho
Na ang lahat sa buhay ay pagbibigay at pagbubukas puso
Hindi ka papanaw
Hindi ka umaayaw
Hangga't mga bituin
Ang hindi nabibilang
At tulad sa araw
Na hawak mo sa iyong kamay
Alab mo ay hindi mapapawi
Hindi ka papanaw
Di ka malilimutan
Pamana mo ay iingatan
Hindi ka papanaw
Hindi ka papanaw



Writer(s): Jonathan Manalo, Robert Labayen


Gary Valenciano - Hindi Ka Papanaw - Single
Album Hindi Ka Papanaw - Single
date of release
29-11-2019




Attention! Feel free to leave feedback.