Gloc-9 feat. Julie Anne San Jose - Maleta Lyrics

Lyrics Maleta - Gloc-9 , Julie Anne San Jose



Ayoko na sa'yo
Dahil lahat ng sinabi mo'y hindi totoo
Ano ang plano mo
Kapag lahat ng binali ko'y sagad na sa buto
Pero nakapagtataka
Bakit mahal pa rin kita
O sadyang nakapagtataka
Dahil mahal pa rin kita
Lumapit kahit na malayo ka
(Ang lahat ay ginawa)
(Ano nga bang napala)
(Dito ka sa kanan)
(Ako naman ang sa kaliwa)
Kahit kaya pa'y paalam na
('Di ko makakaila)
(Kahit na sa kabila nang lahat)
(Ay hahanapin ka pa rin sa simula)
Lumapit kahit na malayo ka
(Ang lahat ay ginawa)
(Ano nga bang napala)
(Dito ka sa kanan)
(Ako naman ang sa kaliwa)
Kahit kaya pa'y paalam na
('Di ko makakaila)
(Kahit na sa kabila...)
Malay mo'y magkita pang muli
Maleta sa pintuan na nakaabang
Damit at mga alaala ang s'yang laman
Mabigat mang buhatin ay aking pasan-pasan
Matagal na pinag-isipan nang matuklasan
Ang katotohanang 'di matago
Madami nang nagbago
Kahit malayo ay tanaw, malinaw 'di malabo
Mahabang listahan ng mga 'di natupad na pangako
Parang gamo-gamo sa ganda mong nakakapaso
Nakakasilaw na parang ilaw ng jeep sa kalsada
'Di man sigurado ang kita ay namamasada
Parang pagtingin mo sa'kin
Pwede ka bang kausapin
'Di ko sukat akalain mangyayari 'to sa atin
Ang hirap mong hagilapin
Laging laman ng dalangin
Liham na sana'y meron ka pang oras na basahin
Kahit basa na ng luha't ubos na ang tinta
'Di ako makapaniwala na mahal pa rin kita
Lumapit kahit na malayo ka
(Ang lahat ay ginawa)
(Ano nga bang napala)
(Dito ka sa kanan)
(Ako naman ang sa kaliwa)
Kahit kaya pa'y paalam na
('Di ko makakaila)
(Kahit na sa kabila nang lahat)
(Ay hahanapin ka pa rin sa simula)
Lumapit kahit na malayo ka
(Ang lahat ay ginawa)
(Ano nga bang napala)
(Dito ka sa kanan)
(Ako naman ang sa kaliwa)
Kahit kaya pa'y paalam na
('Di ko makakaila)
(Kahit na sa kabila...)
Malay mo'y magkita pang muli
Bata pa nang makilala ka, disi-ocho anyos
Niligawan kaya 'di muna ko nakatapos
Malayo ang pagitan, 'pag naiwan humahangos
Mga paang nakagapos, sa pawis naghihilamos
Pero naabutan mailap na hayop napaamo
Hawak kamay nilakaran ang lupa sa malalayo
Marami ang nagsabi na hindi raw mangyayari
Na ang isang katulad ko ay ituturing mong hari
At iyong mundo, lahat ng hirap ko'y napawi
Kahit magulo, ang lawa ng mga kamay hinawi
Sa tagal ng pinagsamahan, dalawampung taon
Ikaw ang nagpaalala sa'kin sino ako noon
At ano ang meron nang aking mapuno ang balon
At mga bangin na ako pa lamang ang tumalon
Kaya kahit basa na ng luha't ubos na ang tinta
'Di ako makapaniwala na mahal pa rin kita
Ayoko na sa'yo
Dahil lahat ng sinabi mo'y hindi totoo
Ano ang plano mo
Kapag lahat ng binali ko'y sagad na sa buto
Pero nakapagtataka
Bakit mahal pa rin kita
O sadyang nakapagtataka
Dahil mahal pa rin kita
Lumapit kahit na malayo ka
(Ang lahat ay ginawa)
(Ano nga bang napala)
(Dito ka sa kanan)
(Ako naman ang sa kaliwa)
Kahit kaya pa'y paalam na
('Di ko makakaila)
(Kahit na sa kabila nang lahat)
(Ay hahanapin ka pa rin sa simula)
Lumapit kahit na malayo ka
(Tama na ang salita)
(Sino ang may napala)
(Dito ka sa kanan)
(Ako naman ang sa kaliwa)
Kahit kaya pa'y paalam na
('Di ko makakaila)
(Kahit na sa kabila...)
Malay mo'y magkita pang muli



Writer(s): Aristotle Pollisco


Gloc-9 feat. Julie Anne San Jose - TULAy - EP
Album TULAy - EP
date of release
07-06-2019



Attention! Feel free to leave feedback.