Hangad - Pieta (Oyayi Sa Paanan Ni Hesus) Lyrics

Lyrics Pieta (Oyayi Sa Paanan Ni Hesus) - Hangad



Ave Maria, gratia plena
Sancta Maria, mater Dei
Kay lamig na ng hangin, lumalatag ang dilim
'Di maabot ng tingin itong lagim
Narito ang 'Yong ina, damhin Mong yakap-yakap Ka
Sa kandungan ko, Sinta, mapanatag Ka, Sinta
Nais ko'y pagmasdan Ka sa 'Yong pamamahinga
Minsan pa'y iduyan Ka, awitan Ka
'Di ko man nababata, puso ko'y lumuluha
Sa Iyong pag-iisa, sasamahan Ka
At hihilumin ang brasong sugatan, papawiin mga luha Mong taglay
Lilinisin, mukha Mong dinumhan, paagusin ang luha kong alay
Madama ko man mga tinik, yayakapin Ka nang mahigpit, Giliw
Ihehele't iduduyan Ka; mahimbing na, tapos na
Aking Ama! Ako'y nilisan Mo na ba?
Bigyang liwanag, alipin Mong aba
Tinalikuran Mo na ba?
Dinggin ang panalangin ko, Ama!
Sumasamong pagpalain Mo, nang minsan pa'y masabi ko sa 'Yo
"Ako'y alipin Mo; sundin ang loob Mo, Ama ko"
Hihilumin ang brasong sugatan, papawiin ang luha Mong taglay
Lilinisin, mukha Mong dinumhan, paagusin ang luha kong alay
Madama ko man mga tinik, yayakapin Ka nang mahigpit, Giliw
Ihehele't iibigin Ka; tapos na, tapos na



Writer(s): Paulo (nm) Tirolsj, Michele Joy Athwal


Hangad - Hangad (The Easter Journey)
Album Hangad (The Easter Journey)
date of release
17-02-2015




Attention! Feel free to leave feedback.