Honcho - Tamang Panahon (feat. Floydiebanks & Thugprince) Lyrics

Lyrics Tamang Panahon (feat. Floydiebanks & Thugprince) - Honcho



Lumalamig na ang hangin, ramdam ang nginig
Sa aking katawan ang ginaw ang putla ng bibig
Ramdam ko na ang pagtibok ng puso'y unti-unting humihinto
Wala ng mga pulsong tumitibok, nalilito
Ang isip ko na lang ang hindi pa rin humihinto
Pero di ko alam kung ito na ba ang
Tamang oras parang di pa naman
Ang dami ko pang gustong magawa
Pano na lang
Hindi ko alam kung kailan ba ang tamang panahon
Para sabihing paalam sa hanggang eto pala yun
Magkikita naman tayo dun sa may langit
May anghel dun sabay ding umawit
Hindi ko alam kung kailan ba ang tamang panahon
Ako'y bigla ng nagising sa tila ba isang bangungot
Namataan ko si nanay na nagdarasal sa sulok
Bakit may nag-iiyakan sa nakatakip na kumot
At ako ay napaisip kailan ba ako natulog
Bakit ba tayo nandito sinong nasa ospital
Ang ginaw ng pawis ko tila hingal na hingal
Painom muna ng tubig ako'y uhaw na uhaw
Natulala na lang at parang di ako makagalaw
Ano bang nangyari bakit ba wala kong maalala
Ng biglang may bumulong sa kanya daw ako sumama
Sumisigaw ako pero wala kayong naririnig
Sa paghagulgol ay pangalan mo pa ang bukang bibig
Ang salitang paalam ay sinasambit na lang sa hangin
Lahat ng kasalanan, pagkukulang sana'y patawarin
Kung panaginip lang ito gisingin nyo ko pakiusap
Marami pa kong kamalian na dapat itama bukas
Hindi ko alam kung kailan ba ang tamang panahon
Para sabihing paalam sa hanggang eto pala yun
Magkikita naman tayo dun sa may langit
May anghel dun sabay ding umawit
Hindi ko alam kung kailan ba ang tamang panahon
Eto pala yun, eto pala yun
Pwede bang takasan na lang ang aking sundo
Ako yung nakadapong paru-paro sa balikat ng aking ina
Ako yung halimuyak na sumabay sa
Hangin ng naamoy nila ang amoy ng kandila
Para maramdaman nyo na pinapatanggap ko na sa inyo ng matanggap ko na
Na sa mundong 'to'y wala na 'di na muling babalik pa
Hindi ko manlang nayakap ang aking anak at asawa
Sa huling lamay lahat mag-ingay paikutin ang tagay
Puso ko'y masayang alaalang babaunin sa paglalakbay
Magkikita pa naman tayo sa langit
Sumabay tayo sa mga anghel umawit
Hindi ko alam kung kailan ba ang tamang panahon
Para sabihing paalam sa hanggang eto pala yun
Magkikita naman tayo dun sa may langit
May anghel dun sabay ding umawit
Hindi ko alam kung kailan ba ang tamang panahon
Eto pala yun



Writer(s): Floyd Dhan Montenegro, Mark Ezekiel Maglasang, Prince Dhan Montenegro


Honcho - Tamang Panahon
Album Tamang Panahon
date of release
08-09-2022




Attention! Feel free to leave feedback.