I Belong to the Zoo - Balita Lyrics

Lyrics Balita - I Belong to the Zoo



Balita ko, kayo ay masaya
Higit pa noong tayo'y huling nagkita
Kamusta na ba? Kamusta na siya?
Ganu'n pa rin ba?
Balita ko, kayo ay masaya
Higit pa noong kaming dalawa
Bakas naman sa iyong ngiti nang siya'y pinakilala
Noong kami pa
Basta't 'wag mo lang hayaan
Na siya ay muli pang masaktan
Dahil 'di 'ko inakalang
Hahanapin ko ang dating binitawan
Balita ko, kayo ay masaya
Bawat litratong aking nakikita
Dinidiin na siya'y wala na sa 'kin
Wala nang talaga
Balita ko, kayo ay masaya
Bawat buwan, iba't ibang bansa
Mga plano namin noon
Ginagawa niyo ngayon, ang ganda
Basta't 'wag mo lang hayaan
Na siya ay muli pang masaktan
Dahil 'di 'ko inakalang
Hahanapin ko ang dating binitawan
Ipakita mong siya ang iyong mundo
Na 'di ko nagawa noon kahit gaano katotoo
Ipakita mong hindi ka mang-iiwan
Pagkakamaling hindi ko matanggal sa 'king isipan
Basta't 'wag mo lang hayaan
Na siya ay muli pang masaktan
Dahil 'di 'ko inakalang
Hahanapin ko ang dating binitawan
Ipakita mong siya ang iyong mundo
Ipakita mong siya ang iyong mundo




I Belong to the Zoo - Balita - Single
Album Balita - Single
date of release
23-09-2019

1 Balita




Attention! Feel free to leave feedback.