James Wright - Ibig Bang Sabihin Lyrics

Lyrics Ibig Bang Sabihin - James Wright



Kung sa bawat pangarap ko ay kasama kita
Kung sa bawat pikit kung sa bawat saglit
Mukha mo't ngiti ang nakikita
Kung sa bigkas ng pangalan mo puso ay masaya
Kung bawat salita bawat hininga
Kung dalang gunita ay kapiling ka
Kung awit ka, kung langit ka
Kung may ligaya sa t'wing makita ka
Kung puso ba'y ikaw ang hanap
Ang ibig bang sabihin ay mahal kita
Kung mula sa paggising ko ay may bagong sigla
Kung ang puso'y sabik sa 'yong pagbalik
Ang iyong pagdating ang ninanasa
Kung awit ka, kung langit ka
Kung may ligaya sa t'wing makita ka
Kung puso ba'y ikaw ang hanap
Ang ibig bang sabihin ay mahal kita
Puso'y 'di maintindihan
Ano nga ba ang nararamdaman
Kung awit ka, kung langit ka
Kung may ligaya sa t'wing makita ka
Kung puso ba'y ikaw ang hanap
Ang ibig bang sabihin ay mahal kita
Ang ibig bang sabihin ay mahal kita



Writer(s): Dodgie Simon


James Wright - Just Wright
Album Just Wright
date of release
30-01-2017




Attention! Feel free to leave feedback.