KMG - Walang Hanggan Lyrics

Lyrics Walang Hanggan - KMG



Kahapon lang nagbigayan ng ngiti at pag-asa
Nagsumpaang habang buhay magiging isa
Nangarap at naniwala, tumingala sa mga bituin
Hawak-kamay, nangakong ang bukas ay sabay haharapin
Bakit ngayon parang tumatalikod na
Ningning sa mata'y tila para sa iba
Bakit hinahayaang may pusong nasasaktan
Dating masayang mundo'y gusto na bang talikuran
Pagmamahal na pinanghahawakan
Paano ba ipaglalaban
Mga alaalang naiwanan
Paano ba matatakasan
Hanggang dito na lang ba ang walang hanggan
Ganito ba talaga kasakit magbiro ang tadhana?
Maiiwanan lang bang nagbabaga ang mga luha?
Mga pagod na puso sana'y maturuan
Hanggang dito na lang ang walang hanggan
(Pagmamahal na pinanghahawakan)
(Paano ba ipaglalaban) ipaglalaban
(Mga alaalang naiwanan)
(Paano ba matatakasan)
Pagmamahal na pinanghahawakan
Paano ba ipaglalaban
Mga alaalang naiwanan
Paano ba matatakasan
Hanggang dito na lang ang walang hanggan



Writer(s): Mark Gerald Montas


KMG - The Odyssey
Album The Odyssey
date of release
30-10-2020



Attention! Feel free to leave feedback.