Keiko Necesario - Gabi Lyrics

Lyrics Gabi - Keiko Necesario



Lumalalim na ang gabi
Binibilang ang bawat sandali
Tila 'di makahinga
Takot nga ba ang nadarama?
Sa oras na mahulog sa iyo
Sasaluhin mo nga ba ako?
'Di mapaliwanag ang kaba
Pag-ibig na ba ang nadarama?
Ang lahat ay para bang naglalaho
Habang ikaw sa isip ay naglalaro
Siguro nga
Ito na nga ba?
Ikaw na ba?
Tayo na ba?
Hindi na kailangang mag-alinlangan pa
Unti-unti nang napapalapit
Ika'y nariyan sa bawat pagpikit
Hinahanap-hanap kita
Handa nang pag-ibig ay maadama
Ang lahat ay tuluyan nang naglaho
Ikaw lamang sa isip ang naglalaro
Alam ko na
Ito na nga
Ikaw na nga
Tayo na nga
Saksi ang Maykapal sa 'king paghihintay



Writer(s): Keiko Necesario


Keiko Necesario - Gabi - Single
Album Gabi - Single
date of release
22-10-2021

1 Gabi




Attention! Feel free to leave feedback.