Keiko Necesario - Paos Lyrics

Lyrics Paos - Keiko Necesario



Sana marinig mo
Ang kakaunting tinig kong paos
Na halos 'di mo na makilala
Pagod nang magtanong muli
Tungkol sa 'ting pag-ibig na naubos
Kinapos na't pinili mong mawala
Pagod na pagod na ako
'Di pa rin ba halata sa iyo?
Na gustong sumigaw pero 'di na, 'di na kaya
Gustong magsalita pero 'di na, 'di na kaya
Gustong magpaliwanag pero 'di na, 'di na kaya
Paano kung wala nang maibigay pa
Papakinggan mo pa ba ang boses kong paos
Na nagsasabing "Mahal kita"
Mukhang 'di na, 'di na kaya
Mukhang 'di na, 'di na kaya
Mukhang 'di na, 'di na kaya
'Di na ba magbabago
Pag-ibig na unti-unting naglalaho
Iiwan na lang bang parang abo?
Lubos na ubos na ako
'Di pa rin ba halata sa iyo?
Na gustong sumigaw pero 'di na, 'di na kaya
Gustong magsalita pero 'di na, 'di na kaya
Gustong magpaliwanag pero 'di na, 'di na kaya
Paano kung wala nang maibigay pa
Papakinggan mo pa ba ang boses kong paos
Na nagsasabing "Mahal kita"
Mukhang 'di na, 'di na kaya
Mukhang 'di na, 'di na kaya
Mukhang 'di na, 'di na kaya
Oh
'Di ko na kayang huminga
Parang 'di na makapagsalita
'Di ko na kayang huminga
Parang 'di na makapagsalita
Pero gustong humiyaw kahit 'di na, 'di na kaya
Gustong ipadama kahit 'di na, 'di na kaya
Gustong huwag nang lumuha pero 'di na, 'di na kaya
Paano kung wala nang maibigay pa
Papakinggan mo pa ba ang boses kong paos
Na nagsasabing "Mahal kita"
Na nagsasabing "Huwag mawala"
Na nagsasabing "Ikaw sana"
Ngunit 'di na, 'di na kaya
'Di na kaya
'Di na kaya



Writer(s): . Aim


Keiko Necesario - Paos - Single
Album Paos - Single
date of release
06-11-2020

1 Paos




Attention! Feel free to leave feedback.