Magnus Haven - Landas Lyrics

Lyrics Landas - Magnus Haven



Ano′ng nangyari? Ano'ng nangyari sa ′ting dalawa?
Mga ginawang hindi man lang pinag-isipan
Nagtataka ka ba? Biglang naglaho ang aking sinta
At ang 'yong wangis, pilit sa isip inaalis
Mahal naman kita
Mahal mo ba ako?
Hindi ako nagbago
Kunwari, kunwaring masaya
Wala namang dahilan para mang-iwan ka, ah
Alam mo ba? Kalahati ng buhay ko'y sa ′yo?
Pinagsamahan, binawi na ng langit at lupa
Mahal naman kita
Mahal mo ba ako?
Hindi ako nagbago
Kunwari, kunwaring masaya
Nagmumukmok sa sulok, nakatitig sa ′yong mukha
Kunwari, kunwaring masaya
Wala namang dahilan para mang-iwan ka, ah
Kung totoo man ang buhay sa kamatayan
Ikaw pa rin ang hahanapin ko, oh
Kung totoo man ang buhay sa kamatayan
Ikaw pa rin ang hahanapin ko, oh
Kunwari, kunwaring masaya
Nagmumukmok sa sulok, nakatitig sa 'yong mukha
Kunwari, kunwaring masaya
Wala namang ibang dahilan para mang-iwan ka, ah
Kunwari (Nagmumukmok sa sulok)
Kunwari (Kunwaring masaya)
Kunwari (Wala namang ibang dahilan)
Ano′ng nangyari? Ano'ng nangyari sa ′tin?




Magnus Haven - Landas - Single
Album Landas - Single
date of release
06-03-2020

1 Landas




Attention! Feel free to leave feedback.