Pio Balbuena - Minsan (Keep Going) Lyrics

Lyrics Minsan (Keep Going) - Pio Balbuena



Rekta na ′to 'wag ka magpakamatay
Lahat tayo may problema
′Wag ka mag papatangay
Hindi naman puro kamalasan lang ang nasa kamay
Naka kotse na si kamatayan
'Wag ka muna sasakay
Mabigat ang dala hindi nga lang halata
Bakit kahit maliwanag parang walang makapa
Nakatago at umiiyak ka ng nakadapa
Sabihin mo saken yung problema mo gano kalala
'Yung problema mo sapatos yung iba walang paa
Pero lumalaban sa buhay ng halos walang kaba
Hindi ka mahina ang gusto ko lumaban ka pa
Tumayo ka dyan at punasan mo ang mga mata
Kung hindi mo na alam kung sino ang lalapitan
Kahit patalim ay wala ka ng makapitan
′Gano man kalalim ang mga kasawian
Palaging merong Dyos at pwede mo syang masabihan
Minsan ay parang gusto ko sumigaw
Kasi laging madilim tsaka nakakaligaw
Minsan ay parang gusto ko sumigaw
Saan ang tamang daan ako ay naliligaw
Minsan ay parang gusto ko sumigaw
Kasi laging madilim tsaka nakakaligaw
Minsan ay parang gusto ko sumigaw
Saan ang tamang daan ako ay naliligaw
Pwede umiyak pero walang sukuan
Tuloy ang kwento ng buhay at ′wag mo namang tuldukan
Naaalala mo pa ba o 'di mo na matandaan
′Yung mga dating nagdaan nakaya mo ngang lagpasan
Kaya ka merong problema eh para lumakas ka
Nakatagong tapang sa loob mo lumabas
Nanakatali sa depresyon
Sana kumalas ka marami pang ibang paraan kahit ano basta
'Wag ka magpaapekto walang taong perpekto
Kadalasan Marraranasan ang panget na komento
Marami talagang sisira sa maganda mong kwento
Wawasakin nila sa salitang puro imbento
′Yan ang gusto nila lagi kang nadadapa basta kayang tumayo
Kahit na nasa baba
Teka wag kang lumayo kasi may pag asa pa
Kala mo magisa ka pero may kasama ka
Minsan ay parang gusto ko sumigaw
Kasi laging madilim tsaka nakakaligaw
Minsan ay parang gusto ko sumigaw
Saan ang tamang daan ako ay naliligaw
Minsan ay parang gusto ko sumigaw
Kasi laging madilim tsaka nakakaligaw
Minsan ay parang gusto ko sumigaw
Saan ang tamang daan ako ay naliligaw
Mukha kang masaya pero 'di mo maramdaman
Mag-isa sa kwarto na parang walang malabasan
Kung may nagmamahal sa ′yo ay 'di mo na matandaan
Akala mo kasi lahat sila walang pakeelam
Naranasan ko na yan naiintindihan kita I
Tnapangan nilabanan at mas tinindihan ko pa
Kahit na hindi madali basta palag lang ng palag
Kapag natakot at napagod ay salag lang ng salag
Hindi mo gustong mawala ang
Gusto mo matagpuan sa mundo
Na akala mo wala kang matakbuhan
'Wag mo lang madaliin maraming pwede puntahan
Wag mong tapusin yung buhay mo ng ganun ganun na lang
Sa lahat ng taong merong depresyong nararanasan
Eto ang tunay na buhay at malubak ang lalakaran
Sa mundo na hindi mo alam kung sino ang kalaban
Masarap mabuhay lalo na kapagka lumalaban
Minsan ay parang gusto ko sumigaw
Kasi laging madilim tsaka nakakaligaw
Minsan ay parang gusto ko sumigaw
Saan ang tamang daan ako ay naliligaw
Minsan ay parang gusto ko sumigaw
Kasi laging madilim tsaka nakakaligaw
Minsan ay parang gusto ko sumigaw
Saan ang tamang daan ako ay naliligaw




Pio Balbuena - Vision 20/20
Album Vision 20/20
date of release
06-06-2019




Attention! Feel free to leave feedback.