Pio feat. Lolita Carbon - Himig ng Pag-ibig Lyrics

Lyrics Himig ng Pag-ibig - Pio feat. Lolita Carbon



Ito ang awit ng pag-ibig
Ikaw ay makinig sa tinig
Pagmamahalang abot-langit
Kasing saya ng ibong humihimig
Nagmamahalang tunay
May buhay na makulay
Pangako sa isa′t isa'y
Kahit na kailan pa man, hindi na maghihiwalay
Sa pagsapit ng dilim, ako′y naghihintay pa rin
Sa iyong maagang pagdating
'Pagkat ako'y nababalisa kung ′di ka kapiling
Bawat sandali, mahalaga sa akin
Mahal kong sinta, kamusta ka na?
Ako′y may kaba, buhat nang umalis ka
No'ng isang buwan ay sinulatan kita
Ngunit, hanggang ngayon ang sagot mo′y wala pa
Nag-aantay ang ating mga anak
Kaming lahat ay sabik sa iyong yakap
Mula nang madestino ka sa probinsya
'Di ako mapakali ′pag wala ka
Naaalala mo pa ba ang masasaya natin na nakaraan?
'Di ba′t pangako mo sa 'min pagtapos ng laban
Kami ay kaagad mong babalikan?
Lagi mo na lang pinagtatanggol ang bayan
Matapang na humaharap sa digmaan
Pagmamahalan, 'wag sanang matabunan
Ng mga luha at ng kalungkutan
Sana′y makabalik ka nang ligtas
′Yan ang laging dalangin sa taas
Alam kong may tungkulin ka sa batas
At hindi ka pwedeng basta kumalas
Gayunpaman, aantayin ko pa rin
Ang iyong maagang pagdating
Hanggang sa umangat man ang araw
At maging sa pagkagat ng dilim
Mga bakal, may mainit na bala
Pagsabog ng mga granada at bomba
'Yan ang mga madalas mong makasama
Laging dala kahit sa′n man mapunta
Ang sulat ko sana'y iyong sagutin
Upang mabawasan ang kaba sa damdamin
Pagmamahal ko ay iyong baunin
At dinggin ang aking hiling
Tulad ng ibong malaya ang pag-ibig natin
Tulad ng langit na kay sarap marating
Ang bawat tibok ng puso, kay sarap damhin
Tulad ng himig na kay sarap awitin
Ako ay nagulat at ang paningin ay tulala
Nang bigla kang dumating
Tuluyang tumulo ang aking luha
Ika′y hinatid nila sa akin
Kasama ng sulat mong aking binasa
Habang ika'y nasa ′king harapan
Parang leeg ko ay nakakadena
Sa iyong sulat, sinabi mo na
"Mahal na mahal kita, aking asawa
Pati na ang dalawang mga bata
Sila ay busugin mo sa alaga
Kung sakali mang ako'y 'di palarin
At ′pag ang buhay ko man ay bawiin
Laban sa rebeldeng kapwa Pinoy
Digmaan dito ay umaapoy
Lagi mo lamang na tatandaan
Pag-ibig ko sa ′yo ay walang hanggan
Dadalhin hanggang sa kalangitan
'Wag malungkot, ikaw ay maging matapang
At dapat handa ka sa hamon ng buhay
Nandito lang ako at nakapatnubay
′Yan lamang ang tangi kong mga hiling
Pangako ko lagi kang mamahalin"
'Yan ang iyong liham na aking nabasa
Sundalo ng buhay ko, mahal kita
Pag-ibig ko sa ′yo'y walang kapalit
Nang nagbalik ka ay napakasakit
Ika′y umalis sa aming nakatayo pa
At bumalik ka, bakit nakahiga na?
Nakabalot sa kumot na puti
Damang-dama ko ang sakit at hapdi
At ngayong ikaw ay nagbalik sa aking piling
Luha ng pag-ibig, kay sarap haplusin
Tulad ng tubig sa batis, hinahagkan ng hangin
Pag-ibig ang ilaw sa buhay natin
Tinatanong ko ang aking sarili (la-la-la)
Bakit sa akin pa ito nangyari? (La-la-la)
Lumuluha ang aking damdamin (la-la-la-la-la)
Nang ako ay iyong lisanin (la-la-la)
Ngunit, pagkakataon para (la-la-la)
Ikaw ay aking mahawakan (la-la-la)
At habang hawak ko ang iyong kamay
Awitin ang himig nang magkasabay (la-la-la-la-la-la-la)
Tulad ng ibong malaya ang pag-ibig natin (la-la-la)
Katulad din ng langit na kay sarap marating (la-la-la, la-la-la, la-la-la-la-la-la-la)
Ang bawat tibok ng puso, kay sarap damhin (la-la-la)
Tulad ng himig ng pag-ibig natin (la-la-la, la-la-la, la-la-la-la-la-la-la)



Writer(s): Lolita Carbon


Pio feat. Lolita Carbon - Dukha
Album Dukha
date of release
17-10-2012



Attention! Feel free to leave feedback.