Sharon Cuneta - Kahit na Lyrics

Lyrics Kahit na - Sharon Cuneta



Kahit na ikaw pa ay lumisan
Halik mo'y 'di ko na malilimutan
Lalo na't ikaw pa lang ang minahal
Sa simula't katapusa'y ikaw lamang
Ang nagbigay-kahulugan sa 'king buhay
Kahit na ikaw pa ay lumimot
Mundo ko'y tutuloy sa pag-ikot
Ang bituin, akala mo'y naglalaho
'Yun pala, sa ulap lang nakatago
Katulad ng pag-ibig mong mapaglaro
'Di ba, sa simula, sinabi mong walang matitiyak?
Kaya't ligaya habang kapiling mo'y isiping 'di magwawakas
'Di kita pipigilan kailanman magbago ng isipan
Habang kapiling ka, ligaya'y walang hanggan
Lalo na't ikaw pa lang ang minahal
Sa simula't katapusa'y ikaw lamang
Ang nagbigay-kahulugan sa 'king buhay
'Di ba, sa simula, sinabi mong walang matitiyak?
Kaya't ligaya habang kapiling mo'y isiping 'di magwawakas
'Di kita pipigilan kailanman magbago ng isipan
Habang kapiling ka, ligaya'y walang hanggan



Writer(s): Cruz Willy


Sharon Cuneta - Special Collector's Edition: Sinasamba Kita
Album Special Collector's Edition: Sinasamba Kita
date of release
13-02-2009




Attention! Feel free to leave feedback.