Shehyee - Inspirasyon Lyrics

Lyrics Inspirasyon - Shehyee



Akala ko sa teleserye lang nangyayari
Ang mga istorya ng pag-ibig na gan'to
Eh, totoo naman pala ang mga sabi-sabi
Eh kasi, nabiktima ako
Nananahimik ako noong naglalakad, tapos nahuli
Nakulong sa salang paghahangad sa isang bagay
Na 'di pwede, ibig sabihin ay bawal
Ang pag-usad nga yata ng hustisya ay mabagal
Eh kasi, ang tagal bago 'ko nakawala
Sa pantasyang maaaring maging kaming dalawa
At nang matanggal ang kandado, may naisip akong plano
Magpapayaman muna ako at magpapaguwapo
Bago lumapit sa 'yo, akin nang naintindihan
Na ang mabuting damdamin, 'di nakakain ang ganyan
Given na dapat na mayro'n n'yan at sana 'di malito ang mga 'to
Ang gusto ko lang sabihin, aayusin ko muna sarili ko para sa 'yo
Mabuti na lang, lang, lang, nasa tamang pag-iisip
Alam-lam kong 'pag 'di pwede, 'wag ipilit
Posible ka lang maipit
Sa komplikadong sitwasyon
'Wag magpahadlang-lang-lang, at 'wag kang magpapabuwisit
'Wag nang, nang, nang magmukmok d'yaan sa gilid
Gamitin mo ang pag-ibig
Bilang isang inspirasyon
(Ang pag-ibig ay) isang inspirasyon
(Ang pag-ibig ay) isang inspirasyon
(Dapat ang pag-ibig ay) isang inspirasyon
Isang inspirasyon
Lumipas ang ilang taon mula sa lupa, nakabangon
Hindi na 'ko nanghihingi sa nanay ko ng baon
Kilala na 'ko ng mga tao doon sa kanto
At kahit na papa'no, may pera na 'ko sa bangko
Mabilis ang pangyayari, grabe
Ang dating hindi napapansin, tinitilian na ng mga babae
'Pag nasa entablado, pangalan ko ay sigaw na rin
Pero sa akin, walang nagbago, walang iba, ikaw pa rin
Hinigpitan ko pa ang kapit, 'di tulad kay Imelda Papin
Ang pag-ibig na galing sa 'kin, higit sa isang linggo
Matapos ang taon na traffic ay inakyat ko ang langit
At sa pagbango ng hangin ay napapikit ako
Kasi bago lumapit sa 'yo, akin nang naintindihan
Na marami akong hirap na dadanasin sa daan
Nalampasan ko ang madami na 'yan at para 'di malito ang mga 'to
Salamat sa inspirasyon, naiayos ko ang sarili ko dahil sa 'yo
Mabuti na lang, lang, lang, nasa tamang pag-iisip
Alam-lam kong 'pag 'di pwede, 'wag ipilit
Posible ka lang maipit
Sa komplikadong sitwasyon
'Wag magpahadlang-lang-lang, at 'wag kang magpapabuwisit
'Wag nang, nang, nang magmukmok d'yaan sa gilid
Gamitin mo ang pag-ibig
Bilang isang inspirasyon
(Ang pag-ibig ay) isang inspirasyon
(Ang pag-ibig ay) isang inspirasyon
(Dapat ang pag-ibig ay) isang inspirasyon
Isang inspirasyon
'Sang tagalupang nangarap nang mataas
At saka isang diyosang mapagkumbaba
Ano kaya ang mangyayari sa wakas?
Tayong dalawa kaya ay magkita sa gitna?
'Sang tagalupang nangarap nang mataas
At saka isang diyosang mapagkumbaba
Ano kaya ang mangyayari sa wakas?
Tayong dalawa kaya ay magkita sa gitna?
Mabuti na lang, lang, lang, nasa tamang pag-iisip
Alam-lam kong 'pag 'di pwede, 'wag ipilit
Posible ka lang maipit
Sa komplikadong sitwasyon
'Wag magpahadlang-lang-lang, at 'wag kang magpapabuwisit
'Wag nang, nang, nang magmukmok d'yaan sa gilid
Gamitin mo ang pag-ibig
Bilang isang inspirasyon
(Ang pag-ibig ay) isang inspirasyon
(Ang pag-ibig ay) isang inspirasyon
(Dapat ang pag-ibig ay) isang inspirasyon
Isang inspirasyon
(Ang pag-ibig ay) isang inspirasyon
(Ang pag-ibig ay) isang inspirasyon
(Dapat ang pag-ibig ay) isang inspirasyon
Isang inspirasyon



Writer(s): C. Ongkiko, T. Alfaro


Shehyee - Shehyee
Album Shehyee
date of release
11-10-2013




Attention! Feel free to leave feedback.