Silent Sanctuary - Huli Na Ang Lahat Lyrics

Lyrics Huli Na Ang Lahat - Silent Sanctuary



Lalabas na muna ako ng bahay
Magpapahangin lang
Maya-maya pa′t mababawasan
Ang tinik sa kalamnan
Dati-rati sa tuwing tayo'y may tampuhan
Lambingan ang sagot sa daan
"Ano′ng nangyari?", laging sinasabi
Pag-ibig na walang hanggan
Ganyan ba talaga sa una?
Ibang kislap ang mga mata
Ngunit habang tumatagal ay
Konting kibo't naiinis na
Pumapangit ang ating itsura
Bumibilis sa pagtanda
Tuldok na insidente, lalong gumagrabe
Tiwala ay naging bula
Dumidilim ang langit
Huli na ang lahat sa atin
Dumating na ang panahon
Diligan mo man ang damdamin
'Di na lalago mga dahon
Isulat na natin ang wakas
Sa huling pahinang babasahin
Wala nang aatras
Sabihin ang dapat aminin
Pasensiya ka na
′Di naibigay ang lahat sa ′yo
Sabay huminga
Sumisikip na ang mundo
Dumidilim ang langit
Huli na ang lahat sa atin
Dumating na ang panahon
Diligan mo man ang damdamin
'Di na lalago mga dahon
Huli na ang lahat sa atin
Palayo na ang tugon
Matayog na ang puno
Ngunit ugat nama′y nalason
Huli na ang lahat (huli na ang lahat)
Huli na ang lahat (huli na ang lahat)
Huli na ang lahat (huli na ang lahat)
Huli na ang lahat
Malaya ka na
Malaya na rin ako
Malaya na tayo



Writer(s): Sarangay Raymond Sarkie, Sarangay Sarkie


Silent Sanctuary - Langit. Luha.
Album Langit. Luha.
date of release
08-04-2015




Attention! Feel free to leave feedback.