Toni Gonzaga - Kung Kaya ko Lyrics

Lyrics Kung Kaya ko - Toni Gonzaga



Bakit 'di malaman ang aking gagawin
Laging umiiwas at hindi makatingin
Wala nang masabi kapag kausap na
Kaba sa aking puso ay hindi nawawala
'Di makakilos 'pag nagtagpo mga mata
'Di na mapigil, sana'y maamin na
Kung kaya ko ang umiwas sa damdamin kong ito
Kung kaya ko ang itago ang pag-ibig ko sa'yo
Napakahirap iwasan ang mga titig mo
Kung pwede lang, para lang sa'yo ang totoo
Alas singko y medya gising pa ang diwa ko
'Di makatulog sa kakaisip sa'yo
Bawat panaginip mistulang pelikula
Kasama ka lagi, hirap niyan ikaw ang bida
Wala kang ideya sa pagod at puyat ko
Sa kakaisip kung mapapansin mo ito
Kung kaya ko ang umiwas sa damdamin kong ito
Kung kaya ko ang itago ang pag-ibig ko sa'yo
Napakahirap iwasan ang mga titig mo
Kung pwede lang, para lang sa'yo
Hanggang kailan aasa at maghihintay sa'yo
Kailan masasabi ang laman ng puso ko
Kung kaya ko ang umiwas sa damdamin kong ito
Kung kaya ko ang itago ang pag-ibig ko sa'yo
Napakahirap iwasan ang mga titig mo
Kung pwede lang (Kung pwede lang), para lang sa'yo
Kung pwede lang (Kung pwede lang), para lang sa'yo
Ang totoo



Writer(s): Toni Gonzaga


Toni Gonzaga - You Complete Me
Album You Complete Me
date of release
26-08-2006




Attention! Feel free to leave feedback.