Tribe of Levi - Basta't Kasama Kita Lyrics

Lyrics Basta't Kasama Kita - Tribe of Levi



Sa t'wing tayo'y magkakalayo
Hindi matahimik ang puso ko
Bawat sandali'y hanap kita
'Di mapakali hanggang muli kapiling ka
Dahil kung ika'y makita na
Labis-labis ang tuwang nadarama
Magisnan lamang ang kislap ng iyong mata
Kahit ano pa ay kakayanin ko na
Basta't kasama kita, lahat magagawa
Lahat ay maiaalay sa 'yo, whoa
Basta't kasama kita, walang kailangan pa
Wala nang hahanapin pa basta't kasama kita
Giliw, sana ay ikaw na nga
Ang s'yang mananatiling kasama ko
Dahil kung ika'y mawawala
Pati lahat sa buhay ko'y maglalaho
Basta't kasama kita, lahat magagawa
Lahat ay maiaalay sa 'yo, whoa
Basta't kasama kita, walang kailangan pa
Wala nang hahanapin pa basta't kasama kita
Basta't kasama kita, lahat magagawa
Lahat ay maiaalay sa 'yo, whoa
Basta't kasama kita, walang kailangan pa
Wala nang hahanapin pa basta't kasama kita
Walang kailangan pa
Wala nang hahanapin pa basta't kasama kita



Writer(s): Caro Greg


Tribe of Levi - Tribe Of Levi
Album Tribe Of Levi
date of release
08-08-2002




Attention! Feel free to leave feedback.