Zjay feat. Mike Kosa & Pino G - Tunay Na Buhay Lyrics

Lyrics Tunay Na Buhay - Mike Kosa , Pino G



TUNAY NA BUHAY
Lumilipas ang panahon,
Unti-unting nadarama
Sa buhay na ito′y hindi tunay ang ligaya
Isang saglit ay may ngiti,
Kapag daka'y may luha na
Kanina lang ay kay saya,
Bakit ngayo′y may lumbay na
Buhay nati'y 'di rin tunay
Dahil ito′y may hangganan
Ngayon puso′y pumipintig
Ngunit dagling pumapanaw
Dating lakas, dating sigla
Ngayo'y isang bakas na lang
Ala-ala ng kahapo′y
Naglalahong walang ano pa man
Kaya't ang nais ko ay ang
Buhay na tunay na buhay
Doon sa paraisong ligaya
Ay walang hanggan
Tuwa doo′y walang sukat,
Walang makakapantay
'Di ka na mangangambang
Ika′y muling malulumbay
Huwag nating ilalagak
Itong isip sa may wakas
Mata nitong ating puso
Ay ititig sa itaas
Hirap nati'y mapapawi
Hahalinhan N'ya ng galak
Kung tayo′y magtitiwala
Sa Dios Ama nating liyag
Si Hesus ang tumubos sa ating sala
Nang ating makamtan
Pagpapalang walang hanggan
Sa Kanyang pagbabalik
Sana tayo ay magkita
Doon sa bagong langit
Buhay natin ay tunay na
Kaya′t ang nais ko ay ang
Buhay na tunay na buhay
Doon sa paraisong ligaya
Ay walang hanggan
Tuwa doo'y walang sukat,
Walang makakapantay
′Di ka na mangangambang
Ika'y muling malulumbay
Kaya′t ang nais ko ay ang
Buhay na tunay na buhay
Doon sa paraisong ligaya
Ay walang hanggan
Tuwa doo'y walang sukat,
Walang makakapantay
′Di ka na mangangambang
Ika'y muling malulumbay
Tuwa doo'y walang sukat,
Walang makakapantay
′Di ka na mangangambang
Ika′y muling
Malulumbay



Writer(s): Zjay


Zjay feat. Mike Kosa & Pino G - Diamante
Album Diamante
date of release
03-01-2018



Attention! Feel free to leave feedback.