Assembly Generals - Anino paroles de chanson

paroles de chanson Anino - Assembly Generals



Na-na-na-na-nakapaligid ang mga anino
Sa mga gilid sumisilip at ume-estilo
Kung sinu-sinong mangangatay ang kalaban dito
Nakaabang sa may timbangan ng por kilo-kilo
Mata-ta-ta-ta-ta-talim ang mga salita
Na kung sabihin ay palihim na tumataga
Pinatingin lahat ng kawal dun sa kaliwa
Habang kumalat ang dilim nila sa kabila
Mga aninong sa papel pumiling lumagay
Palipat-lipat ng kamay walang makasabay
Panay sa bala't pangalan lang sumasakay
Kaya't tuloy ang hanapbuhay ng mga pilay
Mga aninong nasa sulok lang nagtatago
Sa ulo at sa isip natin ay naglalaro
Nililibang ang mga bata at naglalako
Ng mga pangakong inakala nating totoo
Kaya to-todo na ako ang hari ng liwanag
Mulat-mata at umiilaw ng walang patawad
Malayang init ng hatid at may walong kagawad
Walong espadang bumabaga sa bilog na palad
Ako ang kataas-taasang di matitibag
Dala ang ilaw sa gitna nitong puting dilag
At masisilaw ang dilim hindi na papalag
Mga aninong humahatak sa aking paglipad
Ako ang araw ng bagong umaga, ah ah
Ako ang araw ng bagong umaga, yah yah
Ako ang araw ng bagong umaga, ah ah
Ako ang araw ng bagong umaga, yah yah
Ako ang araw ng bagong umaga
Na-na-na-na-nakapaligid ang mga anino
Pasikot-sikot sa pag-ikot at nakakahilo
Kanino tayo kumakapit ang tanong ko dito
Walang espasyo ang umaga sa pumaparito
Mata-ta-ta-ta-ta-tamis na mga salita
Inaalipin sa pabitin ang maralita
Pinatikim lahat ng ngipin at mga mata
Kaya sumiping sa dilim ang pagtingin nila
Mga aninong nasa gilid lang gumagalaw
Hindi makita-kita ng mga tumatanaw
Sa mga utak tumutulak at sumasabaw
Kaya tuloy ang kayod nating mga kalabaw
Mga aninong kumakapit at sumusunod
Panay ang lapit sumasabit at umuugod
Silang mabagal puro angal at nanonood
Kahit di gabi lahat ng kulay ay nilulunod
Kaya nandito na akong may hatid-liwanag
Bukas ang palad umiilaw ng walang patawad
May bagong tapang at may laban na handang ibayad
Hanggang hamunin ng pag-hangin ng itim na dagat
Ako ang kataas-taasang di malalaglag
Tuloy-tuloy ang alab at wala nang sasalag
At matutunaw ang dilim hindi na papalag
Mga aninong sumusubok at sumasagad
Ako ang araw ng bagong umaga, ah ah
Ako ang araw ng bagong umaga, yah yah
Ako ang araw ng bagong umaga, ah ah
Ako ang araw ng bagong umaga, ah ah
(Ako ang araw ng bagong umaga)
Na-na-na-na-nakapaligid ang mga anino
Sa mga gilid sumisilip at ume-estilo
(Ako ang araw ng bagong umaga)
Na-na-na-na-nakapaligid ang mga anino
Pasikot-sikot sa pag-ikot at nakakahilo
(Ako ang araw ng bagong umaga)
Na-na-na-na-nakapaligid ang mga anino
Sa mga gilid sumisilip at ume-estilo
(Ako ang araw ng bagong umaga)
Na-na-na-na-nakapaligid ang mga anino
Pasikot-sikot sa pag-ikot at nakakahilo
Ako ang araw ng bagong umaga




Assembly Generals - Fatigue
Album Fatigue
date de sortie
08-03-2019




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.