Daniel Padilla - Binibini paroles de chanson

paroles de chanson Binibini - Daniel Padilla



Binibini, sa aking pagtulog
Ika'y panaginip ko
Panaginip ng kathang dakila
Nitong pag-iisip ko
Ang katulad mo raw ay birhen
Sa abang altar ng punong pag-ibig
Oh, kay ganda
Oh, kay gandang mag-alay sa 'yo
Alaala at isip at pagod
Sa 'yo'y binigay ko raw
Binibini, ang aking dalangi't dasal
Dininig mo raw
Wika mo raw ay iingatan ka
Magpakailanman ang purong pag-ibig
Oh, kay ganda
Oh, kay gandang mag-alay sa 'yo
Oh, sa 'king tanong, magkatotoo kaya?
Sagot mo, para nang sinadya
Pagsapit ng magandang umaga
Ako'y bumalikwas din
Panaginip, naglaho't natunaw
Ngunit nar'yan ka pa rin
Paraluman, ikaw ay akin
Sa bisang lakas ng purong pag-ibig
Oh, kay ganda
Oh, kay gandang mag-alay sa 'yo
Oh, kay ganda
Oh, kay gandang mag-alay sa 'yo
Binibini, oh, kay ganda
Oh, kay gandang mag-alay sa 'yo
Mag-alay sa 'yo



Writer(s): Luke Paredes, Jose Lansang


Daniel Padilla - DJ (Greatest Hits)
Album DJ (Greatest Hits)
date de sortie
19-12-2016




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.