Dong Abay - Segundo paroles de chanson

paroles de chanson Segundo - Dong Abay



Kung sa isang iglap, makalimutan ng Diyos
Na ako ay isang manikang basahan
At kanyang pagkalooban ng kapirasong buhay
Hindi ko sasabihin, lahat ng inisip
Sa lahat ay iisipin, lahat ng sasabihin
Itatangi ko ang bawat bagay-bagay
Hindi dahil lamang sa kahalagahan nito
Kundi sa kung ano ang kahulugang totoo
Ako'y matutulog ng kaunti at mas mananabik
Mauunawaan na sa bawat minutong pag-idlip
Nawawalan tayo ng animnapung segundo ng liwanag
Liwanag liwanag liwanag
Maglalakad ako kung ang iba ay ayaw humakbang
Mananatiling gising kung ang iba ay maidlip
Makikinig ako kung may magsasalita
Kung ako ay may puso, isusulat ko ang poot sa yelo
At maghihintay sa pagsikat ng araw
Ang aking luha ang didilig sa rosas
Sa kanyang imik dadamhin ko ang kirot
At ang pulang halik ng kanyang talulot
Ipababatid sa lahat ng minamahal
Na minamahal ko silang lahat
Mabubuhay ako ng nagmamahal sa pag-ibig
Pag-ibig pag-ibi pag-ibig
Marami akong natutunan mula sa mga nilalang
Ngunit ang katotohanan, wala itong pakinabang
Kahit pa ingatan ko, sa loob ng maletang ito
Malungkot ko paring lilisanin ang mundo



Writer(s): Dong Abay


Dong Abay - Flipino
Album Flipino
date de sortie
05-05-2006




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.