Gloc-9 feat. Cathy Go - Inday paroles de chanson

paroles de chanson Inday - Gloc-9 feat. Cathy Go



Oh Inday, oh Inday, oh Inday
Inday ng buhay ko
Oh Inday, oh Inday
Inday ng buhay ko
Oh, oh, oh-oh-oh
Oh, oh, oh-oh-oh
Katatapos ko lang high school sa probinsya
Kapos lang sa kaunlaran kaya't walang makita't
Makuhang trabaho sa aming lugar
Ano ba ang gagawin ko?
Bumiyahe na lang sa malayong lugar
Lahat ay titiisin ko
Katatapos ko lang ng high school sa probinsya
Gusto ko sanang maging doktor ng medisina
Ngunit si Itay ay magsasaka lang
Ang kapatid ko ay pito
Mahainan lang ang hapagkainan
Ang trabaho ko ay ito
Pantalon na maong labhan mo ng pakamay
Ang aking tira-tira'y takpan mo
Pagtapos ka nang kumain ang sahig punasan mo
Mula baba hanggang taas lampasuhin ang kanan ko
Dapat walang alikabok, ni katiting sa mga muebles
Ayokong inuulit ng higit sa isang beses
Ang lahat ng utos ko, walang tanong kang susunod
Pagkausap mo ako, kulang na lang ay lumuhod
Bilisan mong maglakad, sige, buhatin mo lahat
Wala akong pakialam kahit na ubod ng bigat
Kapag tinawag sa gabi, dapat tulog ka ng dilat
At handa kang maglinis kapag ako ang nagkalat
Kahit gaano kadumi, ang mabaho'y amuyin
Sa tuwing ako'y malalasing lahat ng gusto ko'y sundin
Kung ayaw mong sa 'yo ay mayroong mangyaring masama
Oo ang isasagot sa gusto kong ipagawa
O sa gusto kong gawin at sa gusto kong makita
Paulit-ulit hanggang sa hindi ka nagkabisita
Makaka-alis ka na, 'di na kita kailangan
Bago tumawag ng pulis, dahil ako'y 'yong nikawan
Katatapos ko lang high school sa probinsya
Kapos lang sa kaunlaran kaya't walang makita't
Makuhang trabaho sa aming lugar
Ano ba ang gagawin ko?
Bumiyahe na lang sa malayong lugar
Lahat ay titiisin ko
Katatapos ko lang high school sa probinsya
Gusto ko sanang maging doktor ng medisina
Ngunit si Itay ay magsasaka lang
Ang kapatid ko ay pito
Mahainan lang ang hapagkainan
Ang trabaho ko ay ito
Inday, oh Inday, oh Inday
Inday ng buhay ko
O Inday, o Inday
O Inday ng buhay ko
Oh, oh, oh-oh-oh



Writer(s): Aristotle C. Pollisco


Gloc-9 feat. Cathy Go - MKNM (Mga Kwento Ng Makata)
Album MKNM (Mga Kwento Ng Makata)
date de sortie
01-07-2012



Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.