Hangad - Inang Mahal paroles de chanson

paroles de chanson Inang Mahal - Hangad



Inang mahal
Mariang Ina sa kandungan mo'y nahimlay
Ang sanggol mong aming buhay
Pakinggan mo
At ihatid aming mga panalangin
Kay Hesus na kaligtasan namin
Pag-ibig mo, Inang kay tamis
Ipadama mo sa aming tumatangis
Turuan mo kaming magmahal
Kay Hesus, aming Tagapagligtas
Inang mahal
Huwaran ka ng pagsisilbi sa Diyos
Sa pag-akap mo kay Hesus
Pakinggan mo
Ang panalangin naming matularan ka
Sa tindi ng pag-ibig mo sa Kanya
Pag-ibig mo, Inang kay tamis
Ipadama mo sa aming tumatangis
Turuan mo kaming magmahal
Kay Hesus, aming Tagapagligtas



Writer(s): Rene San Andres


Hangad - Hangad
Album Hangad
date de sortie
04-11-2013




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.