Himig Heswita - Kapayapaan paroles de chanson

paroles de chanson Kapayapaan - Himig Heswita

Ipinagkaloob ng Diyos sa atin
Marilaga't masaganang bayan
May halik ng amihan, may haplos ng habagat
May alay dalang alay ang lupa't dagat
At mapaglaro ang araw at ulap
Ipinagkaloob ng Diyos sa atin
Ang magiliw niyang pag-ibig at habag
Nilikha ang magulang, kababaya't kaibigan
Bukod tangi ang abang kapatiran
Sa lahat ng sandali may karamay
Kapayapaan ating dasal, para sa bayan nating mahal
Yaman din lamang at minarapat niyang
Gawin isang tahanan ang puso at bayan natin
Maging daluyan nawa tayong lahat ng
Kapayapaan at iwanag ng abang sambayanan
At sa kailalim-laliman ng ating puso
Tayo'y tibay sa harap ng pagsubok
Bigkasin sa'ting diwa, nasa Dios ang pag-asa
Mananalig sa pagsikat ng araw
Sa hiling na matiwasay na bukas
Mananalig tayo sa amang mapagmahal
Na manumbalik ang yaman ng loob
Wakasan ang alitan, wakasan ang digmaan
Simulang lunasan ang karalitaan
Simulang unti-unti ang sinumpaan
Kapayapaan ating dasal, para sa bayan nating mahal
Yaman din lamang at minarapat niyang
Gawin isang tahanan ang puso at bayan natin
Maging daluyan nawa tayong lahat ng
Kapayapaan at iwanag ng abang sambayanan
Ng kapayapaan at iwanag ng abang sambayanan

Himig Heswita - O, Bayan Ng Diyos!
Album O, Bayan Ng Diyos!
date de sortie
17-02-2015

Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.