Jolina Magdangal - Sa Panaginip Lang paroles de chanson

paroles de chanson Sa Panaginip Lang - Jolina Magdangal



Sa dami-dami na nangyari na sa buhay kong ito
Hindi ko pa naramdaman ang nararamdaman ko ngayon
Sa dami-dami na nagsabi na mahal nila ako
Bakit parang sa 'yo lamang tumitibok ang aking puso?
Hindi naman ako tanga
Alam ko nga walang mapapala
Hindi tayo bagay sa isa't isa
Sa panaginip, tayo ay magkasama
Bakit ba ganyan?
'Di ko sinasadya naman
Sa panaginip, tayo ay magkayakap
Hindi ko na alam
Hanggang sa panaginip lang
Hindi na yata maaari pa magkaro'n ng panahon
Upang magawan ito ng paraan para mapalapit ako sa 'yo
Hindi na dapat nangangarap pa d'yan sa pag-ibig mo
Langit ka kasi, lupa lang ako, bakit hindi pa rin ako natututo?
Hindi naman ako tanga (hindi naman tanga)
Alam ko nga walang mapapala (walang mapapala)
Hindi tayo bagay sa isa't isa, ngunit bakit ba?
Sa panaginip, tayo ay magkasama
Bakit ba ganyan? (Bakit ba ganyan?)
'Di ko sinasadya naman
Sa panaginip, tayo ay magkayakap
Hindi ko na alam (hindi ko na alam)
Hanggang sa panaginip lang (sa panaginip lang)
'Yan na ba ang nais ko?
Ikaw ba ang mahal ko?
Bakit biglang nalilito ang isip ko?
Ngayong alam na alam ko na (alam na alam ko na)
Sakit lang sa puso ko (sakit sa puso ko)
Ang makukuha ko sa iyo, eh, 'di bakit ba?
Sa panaginip, tayo ay magkasama
Bakit ba ganyan? (Bakit ba ganyan?)
'Di ko sinasadya naman
Sa panaginip, tayo ay magkayakap
Hindi ko na alam (hindi ko na alam)
Hanggang sa panaginip lang ba talaga 'yan?



Writer(s): Roque Santos, David E. Dimaguila


Jolina Magdangal - Back to Love
Album Back to Love
date de sortie
01-01-2015




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.