Kamikazee - Kidlat Isla - Acoustic paroles de chanson

paroles de chanson Kidlat Isla - Acoustic - Kamikazee



Tahan na aking mahal, huwag nang mabahala
Ang awit kong ito ang papawi sa iyong lumbay
Ilahad mo ang lahat, lahat sa akin
At makikinig ako sa iyong mga sasabihin
Huminga nang malalim ′pag nasa dilim
Yayakapin kita nang mahigpit 'pag malamig
Tumingin sa aking mga mata
Aking mahal, ililigtas kita
Huwag kang matakot, nandito lang ako
Huwag kang mangangamba, sa ′di mo pa nakikita
At kahit ano pang daraanan mo
Huwag kang matatakot, nandito lang ako
Tahan na aking mahal, huwag sanang kakabahan
Itong aking kamay ang sasalo sa iyong mga luha
Iiyak mo ang lahat, lahat sa akin
Bukas ang puso ko sa iyong mga sasabihin
Huminga nang malalim 'pag nasa dilim
Yayakapin kita nang mahigpit 'pag malamig
Tumingin sa aking mga mata
Aking mahal, ililigtas kita
Huwag kang matakot, nandito lang ako
Huwag kang mangangamba, sa ′di mo pa nakikita
At kahit ano pang daraanan mo
Huwag kang matatakot, nandito lang ako
(Ilahad mo ang lahat, lahat sa akin)
(Iiyak mo ang lahat, lahat sa akin at makikinig ako)
Huminga nang malalim ′pag nasa dilim
Yayakapin kita nang mahigpit 'pag malamig
Tumingin sa aking mga mata
Aking mahal, ililigtas kita
Huwag kang matakot, nandito lang ako
Huwag kang mangangamba, sa ′di mo pa nakikita
At kahit ano pang daraanan mo
Huwag kang matatakot, nandito lang ako
Nandito lang ako
Nandito lang ako



Writer(s): Bords Burdeos, Jay Contreras, Jomal Linao, Led Tuyay, Puto Astete


Kamikazee - Alab (Acoustic) [Acoustic] - EP
Album Alab (Acoustic) [Acoustic] - EP
date de sortie
12-09-2020




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.