Kiss n Tell - Huling Pahina paroles de chanson

paroles de chanson Huling Pahina - Kiss n Tell



Eto na ba ang huling mayayakap kita?
Huling sulyap sa langit, sa pagbitiw ng mga ulap
At sa bawat hakbang papalayo
Luha ng paalam, 'di maitago
Sana mag-ingat ka at salamat sa lahat
Kahit sa 'king aklat, 'di na ikaw ang pamagat
Alaalang 'di akalaing mabubura pala
Sana sa pagsara ng pahina
Maalala mo pa, hmm
Hmm
Kinabisa ang 'yong mukha at tamis ng huling halik
Nag-aabang, humihiling, baka sakaling bumalik
At sa pagtatapos nitong yugto
Larawan ng kahapon ay itatago
Sana mag-ingat ka at salamat sa lahat
Kahit sa 'king aklat, 'di na ikaw ang pamagat
Alaalang 'di akalaing mabubura pala
Sana sa pagsara ng pahina
Maalala mo
Dahan-dahang pumipiglas
Mga huling salitang binibigkas
Sana mag-ingat ka at salamat sa lahat
Kahit sa 'king aklat, 'di na ikaw ang pamagat
Alaalang 'di akalaing mabubura pala
Sana sa pagsara ng pahina
Maalala mo pa, hmm
Maalala mo pa, hmm
Mahal, mananatili ka sa 'king puso't alaala, hmm
'Di ka mawawala, hmm
Maaalala ka, hmm
Ngunit paalam na



Writer(s): Joshua M Ortiz, Aniceto Riego D Iii


Kiss n Tell - Ikuwento Natin - EP
Album Ikuwento Natin - EP
date de sortie
29-04-2022



Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.