Kjah feat. Blkd - Gunita paroles de chanson

paroles de chanson Gunita - Kjah feat. Blkd



Ang pag gunita sa...
Ako nga pala si KJAH
Kasama ko dito ang aking kaibigan at
Meron lang kaming gusto ikwento
Pakinggan niyo to
1 (KJah):
Kamusta na meron na daw bang pagbabago
Oo pinapakinggan na tayo ng tao
Hindi na tulad dating ang panauhin ay hangin
Binibigkas sa kalawakan ang ating pasanin
Gusto nating marinig di ba
Pinangarap minsan ang ka grupo'y kumalas
Sumuko, lumisan, ikaw ang natira
Nagpakita ka ng tibay at mga nasa paligid mong
Hindi naniniwalang may taglay kang husay
Pinag aralang huminga sunod-sunod na pag buga
Tuwang-tuwa ka pag dating mo ay ang dami nila
Nang ikaw ang sumampa para mag alay ng tula
Nagsilabasan nawala, nadismaya, at namutla
Di ka nag pa daig sa kaba itinuloy mo ang pagpapasiklab ng kanta
Sa pagbaba mo may bumati iyong napa mangha
Interesado sa iyong likha at ang pangalan niya ay Kiko
Muling nagbabalik
Muling nagbabalik
Muling nagbabalik
Muling nagbabalik
Ang pag gunita sa
Ang pag gunita sa
Ang pag gunita sa iyo
Muling nagbabalik
Muling nagbabalik
Muling nagbabalik ang pag tangkilik nila
2 (BLKD):
Buong buhay kang tapat na taga hanga
Taga subaybay ng mga gawa ng mga tala
Ang kanilang galing naging halimbawa
Natutong kalagan angking talinhaga
Nahasa nang naging abot hakbang ang entablado
Pagod panahon pagka't tao ay tinaya mo
Laksang barang pandurog ng binuo mo
Hanggang sa makahanay mo na ang mga idolo mo
Bako-bako liko-liko ang landas pataas
Sa pag kaka bugbog na katas sa lakas
Kaya't paninindigan sa talino'y natanganan
Sa tanghalan tadtad nang tamad na talastasan
Ngayon may pamana ka nang dapat ipagpugay
Mga handog mong aral dapat isa buhay
Hindi pangarap na taga hanga'y magdasaan
Kundi ang gumabay sa mga bagong hahangaan
3 (KJah):
Mga papuri na masarap pakinggan
Hanggang kailan may hangganan ang lahat walang magpakailanman
Wag kang manirahan sa ilusyon hindi mo masasama sa kabila
Gano man kamahal ang iyong koleksyon
May bagay na mamamalagi
Ang tangi mong pag aari ito ang pinagpaguran
Pinilit mong mangyari sabi nila'y di maari
Walang potensiyal umani sa mata nang karamihan
Nag mistula ka 'sang hari
Ang gustong iparating ay nandirito na
Tapos na ang kompitensya ng pakiki una
Sunod na suliranin ay paano mo ba panghahawakan
Ang premyo't hindi mawawala
Kung ang naisip mong hakbang ay medyo alanganin
Ikansela ang lakad makinig na muna samin
Di hahayaang tuluyang tumamlay
Ingatan natin ang ating tagumpay
Kampay



Writer(s): Kjah


Kjah feat. Blkd - Sa Gitna Ng Prusisyon
Album Sa Gitna Ng Prusisyon
date de sortie
18-09-2015



Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.