Moira Dela Torre - Pahinga paroles de chanson

paroles de chanson Pahinga - Moira Dela Torre



Parang kailan lang nang tayo'y magkapalitan ng pangako
Na kahit magkahiwalay, 'di tayo susubok ng bago
Sabi mo pa nga, "Walang pintong isasara
Hindi ito wakas, bagkus ito ay pahinga"
Ngunit ano itong nakita na may kayakap kang iba?
'Yan ba ang ibig mong sabihin sa "pahinga"?
Sumasakit ang dibdib ko, tumawag kayo ng ambulansiya
Hindi ko na kaya 'to, sobra ka na, ah
Ipipikit man ang mata, tanging ikaw ang nakikita
Anong kalokohan 'to? Sige, sa kanya ka na
Bakit naman kung kailan pa handa na 'kong muling sumabak
Sa bagong kabanata natin ay saka ka mang-aahas?
Sabi ko na nga, wala akong mapapala
Kung 'di rin lang wakas, 'wag na muling itulak pa
Kaya't ngayong aking nakita at 'di mo na makakaila
Itong pinto sa puso ko'y isasara, ah
Sumasakit ang dibdib ko, tumawag kayo ng ambulansiya
Hindi ko na kaya 'to, sumosobra ka na, ah
Ipipikit man ang mata, tanging ikaw ang nakikita
Anong kalokohan 'to? Sige, sa kanya ka na
Pa-da-da-rum, pa-ru-dum, pa-ru, pa-ru, pa-ru
Pa-ru-pa-dum, pa-ru-du-du-du, du-dum, pa-du-dum
Pa-da-ram, pa-rum, du-du-du-rum, pa-du-ru-du-ru-dum
Kung bumalik ka man, wala ka nang madadatnan
Ito na ang wakas para sa ating dalawa
At sana ay iyong makita, kapag kayakap mo na s'ya
Mali ang ibig mong sabihin sa "pahinga"




Moira Dela Torre - Patawad
Album Patawad
date de sortie
27-03-2020




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.