Rachelle Ann Go - Kung Alam Mo Lang paroles de chanson

paroles de chanson Kung Alam Mo Lang - Rachelle Ann Go



Kung alam mo lang, matagal na kitang minamahal
Simula't sapul pa lang, ikaw na'ng tibok ng puso ko
Ngunit 'di mo pansin, aking mga tingin
Sayang na sayang lang, sinta, mahal pa naman kita
Nangangamba ako, sakaling malaman mo
Baka iwasan mo mga tingin ko sa 'yo
Sana'y maunawaan mo, damdamin kong ito
Kahit mayro'n ka nang ibang minamahal sa buhay mo
Kung alam mo lang kung ga'no kita kamahal
Nagtitiis, nagdurusa sa tuwing kapiling mo siya
Kung alam mo lang na mahal na mahal kita
Ngunit ako'y lalayo nang 'di na muling masaktan, ooh
Paalam na, sinta, at 'di ko na ito kaya
Sa pangarap ko na lang makakasama ko ikaw
Baka sakaling doon lang ako'y iyong pakinggan
Dinggin mo'ng pagsamo ko at malaman mong mahal kita
Kung alam mo lang kung ga'no kita kamahal
Nagtitiis, nagdurusa sa tuwing kapiling mo siya
Kung alam mo lang na mahal na mahal kita
Ngunit ako'y lalayo nang 'di na muling masaktan
Ngunit ako'y lalayo nang 'di na muling masaktan



Writer(s): Arthur Madrigal


Rachelle Ann Go - Unbreakable
Album Unbreakable
date de sortie
10-08-2011




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.