Sharon Cuneta - Bituin Walang Ningning paroles de chanson

paroles de chanson Bituin Walang Ningning - Sharon Cuneta

Kung minsan, ang pangarap
Habambuhay itong hinahanap
Bakit nga ba nakapagtataka?
'Pag ito ay nakamtan mo na
Bakit may kulang pa?
Mga bituin, aking narating
Ngunit, langit ko pa rin ang iyong piling
Kapag tayong dalawa'y naging isa
Kahit na ilang laksang bituin
'Di kayang pantayan ating ningning
Balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal
Hayaang matakpan ang kinang na 'di magtatagal
Mabuti pa kaya'y maging bituing walang ningning
Kung kapalit nito'y walang paglaho mong pagtingin
Itago mo ako sa lilim ng iyong pagmamahal
Limutin ang mapaglarong kinang ng tagumpay
Sa piling mo ngayon, ako'y bituing walang ningning
Nagkukubli sa liwanag ng ating pag-ibig

Nagkukubli sa liwanag at kislap ng ating pag-ibig

Writer(s): Cruz Wilfrido B

Sharon Cuneta - Sharon cuneta (vicor 40th anniv coll)
Album Sharon cuneta (vicor 40th anniv coll)
date de sortie
25-03-2009

Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.