Toto Sorioso - Walang Ibang Tahanan (Batay Sa Salmo 139) paroles de chanson

paroles de chanson Walang Ibang Tahanan (Batay Sa Salmo 139) - Toto Sorioso



Sa bawat kong hininga
Hakbang ng aking paa
Saan man papadpad
Poon nariyan ka tuwina
Sa bawat kong salita
Laman ng puso't diwa
Isip ko't kalooban
Batid mo Diyos kailanman
Tumakbo't lumayo man
Ikaw ay talikdan
Kamay ko'y 'yong tangan
Walang ibang tahanan
Ikaw poon aking sandigan
Tanging kinakapitan
Sa iyo tumatahan
Ang puso kong hapo't sugatan
Sa bawat kong pighati
Takot hapis at hikbi
Pag-ibig mo'y pinapawi
Lungkot ng pagkasawi
Sa bawat kong hangarin
Puso na nanalangin
Ang lahat 'yong diringgin
O Amang mahabagin
Tumakbo't lumayo man
Ikaw ay talikdan
Kamay ko'y 'yong tangan
Walang ibang tahanan
Ikaw poon aking sandigan
Tanging kinakapitan
Sa iyo tumatahan
Ang puso kong hapo't sugatan
Tumakbo't lumayo man
Ikaw ay talikdan
Kamay ko'y 'yong tangan
Walang ibang tahanan
Ikaw poon aking sandigan
Tanging kinakapitan
Sa iyo tumatahan
Ang puso kong hapo't sugatan
Sa iyo walang alinlangan
Tanging ikaw aking tahanan



Writer(s): bok arandia sj


Toto Sorioso - Walang Ibang Tahanan (Batay Sa Salmo 139)
Album Walang Ibang Tahanan (Batay Sa Salmo 139)
date de sortie
08-03-2019




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.