Yeng Constantino - Ako Muna paroles de chanson

paroles de chanson Ako Muna - Yeng Constantino



Minsan, parang ′di pag-ibig ang sagot
Kahit na sa pag-iisa ay nababagot
Aanhin ko ang paghahanap ng magmamahal
Kung sa sarili ko ay 'di pa masaya
Mabuti nang mag-isa
Nang makilala ko muna ang sarili
Pag-ibig muna para sa akin
Mabuti nang mag-isa
Nang ′di ko sa iba lungkot sinisisi
Kailangan ko lang ako muna
Minsan, alam kong lungkot ay kakatok
Ngunit kailangan kong tatagan ang loob
Aanhin ko ang pagbibigay ng pagmamahal
Kung ang sarili ko'y mapapabayaan
Mabuti nang mag-isa
Nang makilala ko muna ang sarili
Pag-ibig muna para sa akin
Mabuti nang mag-isa
Nang 'di ko sa iba lungkot sinisisi
Kailangan ko lang (ako muna)
Paano ′ko magmamahal
Kung ′di ko kayang mahalin ako?
Ngayon, bukas, mapapagod din lang
Mabuti nang mag-isa
Nang makilala ko muna ang sarili
Pag-ibig muna para sa akin
Mabuti pang mag-isa
Nang 'di ko sa iba lungkot sinisisi
Kailangan ko lang ako muna
Ako muna




Yeng Constantino - Synesthesia
Album Synesthesia
date de sortie
23-03-2018




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.