Bassilyo - Taxi Driver текст песни

Текст песни Taxi Driver - Bassilyo



Pagkatapos kong mag-almusal ng pandesal 'tsaka tapsilog
Ay lalabas ako ng bahay upang magmaneho ng taxi ko
At itong pagbiyahe ko upang kumita ng salapi
At baka sakaling makabili ng bahay na malaki
Unang passenger, isang mukhang mayaman na lasing
'Di siya magalang, napakayabang at amoy alak na kasing
Gasing ng mga gipit, kulang ang binayad, wala man lang tip
Kakabadtrip, pwede ba sa susunod, sumakay ka na lang ng jeep?
Ikalawang pasahero, binibining estranghero
Sa suot niyang miniskirt, gumaling ang aking pagkabolero
Nagpahatid siya sa Monumento, binayad niya ay limang daan
"Keep the change," sabi ko, "Napakaswerte ko naman"
Manananghalian na muna ako, pahinga, 'di na muna ako babiyahe
Nang may napansin ako sa limang daan na binayad no'ng babae
Kaya pala keep the change, peke pala 'yung limang daan
'Pag nakita kita ulit, ika'y aking kakantahan
'Andito na ang inyong gwapong-gwapong taxi driver
Handa kayong ipagmaneho, "Hello, ma'am, hi, sir"
Liko dito, liko here, liko-liko there
Pwede ring dire-diretso, basta't 'wag lang sa pader (sa pader)
'Andito na ang inyong gwapong-gwapong taxi driver
Handa kayong ipagmaneho, "Hello, ma'am, hi, sir"
Bababa ba? Teka, gigilid lang ako
Bago niyo ako layasan, iabot niyo'ng bayad niyo (bayad niyo)
Isang lola ang naisakay ko na kung makatingin ay makamandag
Kakamadali niyang magbayad, naiwan niya ang kanyang bag (what?)
Ano ang laman ng bag? Dali-daling binulatlat
'Kala ko pera, 'yun pala t'yanak so tinapon ko sa tapat
Ng kambingan at tindahan ng gamot saka bulaklak
Nang sa taxi ko ay may biglang kumatok, napakalampag
Isang mamang malaki katawan na semi-panot ang gupit
May kasama siya na dalawang seksing bebot, ang lupit
Ngunit, bakit sa 'king sakay, 'di ako mapalagay?
Ako'y tinutukan ng baril, ang sabi n'ya, "Holdap 'to, taas kamay"
Naku, patay, holdaper pala itong naisakay ko na semi-panot
Pa'no na 'yan? Wala pa 'kong kinita, kalalabas ko pa lang, eh 'di lagot?
Mabuti na lang ay may biglang dumaang mobile patrol
Silang tatlo ngayon ay nasukol at sa kulungan sila nagmaktol
Pinagtanggol ako ni Lord at sila'y kalaboso na
Hoy, panot, one time lang, sa bunbunan pakutos muna
'Andito na ang inyong gwapong-gwapong taxi driver
Handa kayong ipagmaneho, "Hello, ma'am, hi, sir"
Liko dito, liko here, liko-liko there
Pwede ring dire-diretso, basta't 'wag lang sa pader (sa pader)
'Andito na ang inyong gwapong-gwapong taxi driver
Handa kayong ipagmaneho, "Hello, ma'am, hi, sir"
Bababa ba? Teka, gigilid lang ako
Bago niyo ako layasan, iabot niyo'ng bayad niyo (bayad niyo)
Mula Batanes hanggang Jolo iniikot ko
Luzon, Visayas, Mindanao ay nililibot ko
Minsan, para bang gusto ko nang tumawid ng ibang bansa
'Pag may nanghuli sa 'kin ng taxi ko, sa kanya ko ibabangga
Simula Marikina, Katipunan, San Juan, UP Kalayaan
Pagliko ko sa Litex kanan Commonwealth, Novaliches Bayan
Montalban, Angono, Cogeo, San Mateo, Antipolo, Taytay, Cainta
Valenzuela, Tondo, Caloocan, Malabon, Navotas, Malanday, Malinta
Diliman, Quezon at Timog, Cubao, Makati at buong EDSA
Bicutan, Taguig, Alabang, Pasig, Pasay at Mall of Asia
Welcome Rotonda diretso sa Recto sa dating hotel, kung sa'n pwedeng pumwesto
Simbahan ng Quiapo, Baclaran, Batasan, Payatas, Sandigan at Ever Gotesco
Boni, Magallanes, Sucat, Parañaque, España, Luneta, Laloma, Malate
Sa 7-11 kumakaway sa 'kin ang mag-isang nakatayo na lalaki
Isasakay ko na 'to, last na 'to, isa na lang
"Sa'n kayo boss?" "Sa Heaven tayo," 'wag muna, saka na lang
'Andito na ang inyong gwapong-gwapong taxi driver
Handa kayong ipagmaneho, "Hello, ma'am, hi, sir"
Liko dito, liko here, liko-liko there
Pwede ring dire-diretso, basta't 'wag lang sa pader (sa pader)
'Andito na ang inyong gwapong-gwapong taxi driver
Handa kayong ipagmaneho, "Hello, ma'am, hi, sir"
Bababa ba? Teka, gigilid lang ako
Bago niyo ako layasan, iabot niyo'ng bayad niyo (bayad niyo)



Авторы: Ignacio Lordivino


Bassilyo - Taxi Driver
Альбом Taxi Driver
дата релиза
15-04-2016




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.