Because - Marlboro Black 2 текст песни

Текст песни Marlboro Black 2 - Because



(Kung minsan)
(Taliwas ang gusto mong sabihin sa mga nagagawa ko)
(Pasensiya na)
(Ngunit sana malaman mo na nagpapasalamat ako sa lahat)
(Kahit na ngayon ay mukhang hindi na kita mapapatawad pa uli)
(Masaya ako sa kung saan tayo dinala ng tadhana)
(Pero mahirap mang isipin na iwan ka, hanggang dito na lang)
(Masaya akong alalahanin ang kwento nating dalawa)
(Ang kwento nating kailan lang nagsimula)
Mukang desidido ka na sa mga huling sinabi mo (ah, ah, ah)
At parang ang lahat ng galit sa mundong dala-dala ay sa'kin isinalin, oh (ah, ah)
'Di na ba hahanap pa ng paraan? (Ah)
Pabalik sa taas wala na bang hagdan? (Ah, ah, ah)
Bangka ay palubog 'di na masasagwan
Palusot sa butas ay 'di na natatakpan
Kung pwede lang ulit na manalo sa ruleta
At maibalik noong wala tayong problema
Plano nating bahay at masasayang eksena
Ngayon ay isisilid na natin sa bodega
Kasi 'di na tama
'Di inakalang wala pala sa piling ko ang hanap mong ginhawa
Gusto mang manatili pero 'di na 'to gagana
Tayo ay wala na, wala na
Hindi rin natin alam ba't nagkaganto
'Lam ko na mas ayos ka nang wala ako
Kaysa naman tayo pa magkasama
Ngunit 'di ka masaya, hindi ka masaya
Hindi rin natin alam ba't nagkaganto
Hawak-hawak ko na lang ang larawan mo
Kaysa naman tayo pa magkasama
Ngunit 'di ka masaya, hindi ka masaya
Pwede ba na time first muna sandali?
Baka maantay magkaro'n ng time machine
Pumunta sa saglit na nakita ang ngiti mo
At ang panahon na abot tainga ang ngiti ko
Ngayon ang kampi kala mo ay magkalaban
Ngayon ay gantihan na lang ng kasalanan
Mga simpleng bagay lang ay pinag-iinitan (initan)
At sanay na sa murahan na palitan (palitan)
Sa tuwing galit ka, galit din ako
'Gang sa 'di na naaayos, nangunguna ang tampo
'Di alam kung sumosobra na o nagkukulang ba 'ko?
Ang litratong maganda bakit tuluyang lumalabo?
Kasi 'di na tama
'Di inakalang wala pala sa piling ko ang hanap mong ginhawa
Gusto mang manatili pero 'di na 'to gagana
Tayo ay wala na, wala na
Hindi rin natin alam ba't nagkaganto
'Lam ko na mas ayos ka nang wala ako
Kaysa naman tayo pa magkasama
Ngunit 'di ka masaya, hindi ka masaya
Hindi rin natin alam ba't nagkaganto
Hawak-hawak ko na lang ang larawan mo
Kaysa naman tayo pa magkasama
Ngunit 'di ka masaya, hindi ka masaya




Because - Heartbreak SZN 2
Альбом Heartbreak SZN 2
дата релиза
11-11-2020




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.