Ex Battalion - Singsing (Original Soundtrack from the movie "Abay Babes") текст песни

Текст песни Singsing (Original Soundtrack from the movie "Abay Babes") - Ex Battalion



Kung hindi man para sa ′kin ito
'Di na ′ko magtataka kung bakit laging bigo
Ako ay lagi lamang naririto
Kahit na nahihirapan na ang sarili ko
Ay handa 'kong maghintay-yay-yay
Kung kailan ibibigay-yay-yay
Pero kung 'di man para sa ′kin ito (whoa)
Kahit na ano′ng mangyari, ako ay naririto (yeah)
Ibang-iba ang dating kahit saan pa tumingin
Walang kapares ang ganda, parang mga bituin
Ang lambing ng kilos, madaling mahalin
Siya ay d'yamanteng makinang ang hirap n′yang abutin
At s'ya′y isang dalaga, pangala'y Esmeralda
At sa buong barkada, s′ya lang ang nakatsamba
Na matupad ang pangarap n'ya na kasal
Kaso pang-commercial lang at pang-TV, literal
Kung tawagin silang magbabarkada ay Bicol Ladies
At siya ang pinakaangat sa grupo, no one's against it (no)
Pero lahat may katanungan kung bakit kadalasan
Ang gustuhing iba ang kapalaran
Kung hindi man para sa ′kin ito
′Di na 'ko magtataka kung bakit laging bigo
Ako ay lagi lamang naririto
Kahit na nahihirapan na ang sarili ko
Ay handa ′kong maghintay-yay-yay
Kung kailan ibibigay-yay-yay
Pero kung 'di man para sa ′kin ito
Kahit na ano'ng mangyari, ako ay naririto
Pakinggan ang istorya nitong si Ruby
Tipo ng babaeng hinding basta tipikal lang
Top of the class at ′di s'ya nagpapahuli
Pero gaya ng iba na mayro'ng ding napagdaanan
S′ya′y dalagang matalino na tapos sa medisina
Malawak ang isip n'ya, nguni′t may pagkataklesa
Minsan ay umasang balang araw makasal
Sa isang tao na pinangarap at lubos n'yang minahal
Nguni′t 'di n′ya inakalang dadanas ng kabiguan
Nang mapag-alamang sa nobyo n'ya'y may ′di siya nalalaman
Na taliwas sa inakala ang lihim nitong katauhan
Nguni′t babangon s'ya, ano mang pait ng kapalaran
Kung hindi man para sa ′kin ito
'Di na ′ko magtataka kung bakit laging bigo
Ako ay lagi lamang naririto
Kahit na nahihirapan na ang sarili ko
Ay handa 'kong maghintay-yay-yay
Kung kailan ibibigay-yay-yay
Pero kung ′di man para sa 'kin ito
Kahit na ano'ng mangyari, ako ay naririto
S′ya daw ang pinakaswabe, ′yan ang sabi sa kwento
Kung titignan, parang walang depekto
'Yung korte perpekto, kaso t′yempo, 'di na pwede kay Pedro
Kasi napamahal na s′ya sa kumbento
Kaya mukhang hindi na para kay Adan ang kutis-balerina
Malabo nang maging tulad ni Zoren at Carmina
Binalutan at mukha n'ya na lamang ang pwedeng makita
Nakarating na sa altar, kaso nga lang bilang Maria
Pinangarap kong makarating ng kasalan
Nangyari, kaso lang sa ibang pagmamahalan
Iba man ang dahilan bago ko pa maranasan
Ayos lang kahit hindi binigay ng kapalaran
Kung hindi man para sa ′kin ito
'Di na 'ko magtataka kung bakit laging bigo
Ako ay lagi lamang naririto
Kahit na nahihirapan na ang sarili ko
Ay handa ′kong maghintay-yay-yay
Kung kailan ibibigay-yay-yay
Pero kung ′di man para sa 'kin ito
Kahit na ano′ng mangyari, ako ay naririto
Lagi na lang kaibigan ang dating
Kahit na estado natin mahirap na tanggapin
Ako sa 'yo ay mayro′ng palihim na pagtingin
Matalik na kaibigang babae lang tayo, dapat hindi pwedeng kiligin
Pero bakit ba sa tuwing ikaw ay nasa tabing
Tayong dalawa'y nagmimistulang lesbian ang dating?
Sa′n man tayo magpunta ay pinipikt'yuran kita
'Di ko akalaing sunod na kuha′y sa kasal mo na
Gusto ko sabihing "Goldie, I′m happy, I'm always be here"
"For everyday, I′m still ang bestfriend mo na chubby"
Masaya ako na maging abay at sa 'yong kasalan
Na sa ibang kamay ibinigay ng kapalaran
Kung hindi man para sa ′kin ito
'Di na ′ko magtataka kung bakit laging bigo
Ako ay lagi lamang naririto
Kahit na nahihirapan na ang sarili ko
Ay handa 'kong maghintay-yay-yay
Kung kailan ibibigay-yay-yay
Pero kung 'di man para sa ′kin ito
Kahit na ano′ng mangyari, ako ay naririto
Nawawalan na s'ya ng pag-asa na mayro′n pang t'yansyang
Dumating ang araw na iharap s′ya sa dambana
'Di naman daw s′ya yung tipong may nagkakandarapa
Kaso mapaglaro pala talaga ang tadhana (tadhana)
Sa unang tingin, walang ningning
At kung tutuusin, hindi s'ya kapansin-pansin
Sino'ng mag-aakalang panahon ay darating
Na s′ya pa pala ang unang aalayan ng singsing
Bagay na minsan lamang mararanasan
Sa kanya pa nangyari nang ′di inaasahan
Kabaliktaran pala kadalasan
Kaya 'wag pangunahan kung ano′ng kapalaran
Kung hindi man para sa 'kin ito
′Di na ko magtataka kung bakit laging bigo
Ako ay lagi lamang naririto
Kahit na nahihirapan na ang sarili ko
Ay handa 'kong maghintay-yay-yay
Kung kailan ibibigay-yay-yay
Pero kung ′di man para sa 'kin ito
Kahit na ano'ng mangyari, ako ay naririto
Ay handa ′kong maghintay-yay-yay
Kung kailan ibibigay-yay-yay
Pero kung ′di man para sa 'kin ito
Kahit na ano′ng mangyari, ako ay naririto
Ay handa 'kong maghintay-yay-yay
Kung kailan ibibigay-yay-yay
Pero kung ′di man para sa 'kin ito
Kahit na ano′ng mangyari, ako ay naririto
Kung hindi man para sa 'kin ito
'Di na ko magtataka kung bakit laging bigo
Ako ay lagi lamang naririto
Kahit na nahihirapan na ang sarili ko, oh




Ex Battalion - Singsing (Original Soundtrack from the movie "Abay Babes")
Альбом Singsing (Original Soundtrack from the movie "Abay Babes")
дата релиза
31-08-2018




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.