Gloc-9 feat. Billy Crawford - Bakit Hindi текст песни

Текст песни Bakit Hindi - Billy Crawford , Gloc-9



'Wag mangarap ng basta simple
At umasa lagi sa libre
Bakit hindi? Bakit hindi?
'Yan ang sabihin sa sarili
Pagbutihan mo ng maigi
Kamustahin kung may imposible
Bakit hindi? Bakit hindi?
'Yan ang sabihin sa sarili
Dahil lang ba ang mga bagay na nakaharang?
Sa 'yong daraanang hagdanang
Mataas, madulas kahit na matumba
Ay hindi mo pababayaan at tuluyang mabahiran ng alinlangan
Bawat hakbang, tawirin mo man dagat,
Sabayan hanging habagat
Baga't apoy
Bawat patak ng dugo'y
Hindi mawawalan ng saysay ang mga boses at panaghoy
Dahil ang mga araw na dumarating ang nagsisilbing pag-asa
Sa kanila na sa pait ng buhay nawalan na ng panlasa
Walang trabaho, mawalang makain, bubungan na tinangay ng hangin
Humahaba na ang listahan sa tindahan ng sa 'king
Lima ang anak mo na sanggol, kailangang ipagtanggol
Sa kahirapan na pumupukol, isip mo na buhol-buhol
Ano man ang kahantungan, palagi mong tatandaan
Kapag hindi ka na bumangon ay du'n ka pa lang magiging talunan
Diinan ang tapak sa lupa, punasan mo ang luha
Kung hindi ka susuko, hinding hindi ka huhupa
'Wag mangarap ng basta simple
At umasa lagi sa libre
Bakit hindi? Bakit hindi?
'Yan ang sabihin sa sarili
Pagbutihan mo ng maigi
Kamustahin kung may imposible
Bakit hindi? Bakit hindi?
'Yan ang sabihin sa sarili
Bakit?Bakit? Bakit gumigising?
Bakit? Bakit? Bakit dumidilat? (dilat)
Hindi pwedeng tumigil kahit mabigat ang buhat
Hindi kumukurap kahit ilang beses ginulat
Handa nang sumagupa sa lahat gano'n kakunat
Ang balat, namalat sa lakas ng sigaw
Iangat, kumagat, lunukin ng hilaw
Higpitan mo lang ang hawak 'wag na 'wag kang bibitaw
Ang kalaban mo lang ay walang iba, kundi ikaw
Lagi ka'ng magpasalamat na ikaw ay binigyan
Ang isipin mo na lamang ay lamang tiyan din yan
Kahit tuyo na ang halaman sadtyagain mong diligan
Hanggang ikaw ay lumaguna na akala mo Biñan
Lahat ng 'yong naaabot ay pilitin mong higitan
Patilimin ang patalim at maghanda kang gilitan
Kung hindi mo nagawa, 'wag mo na muling tignan
Marami pang pagkakataon ang na sa 'yong harapan
'Wag mangarap ng basta simple
At umasa lagi sa libre (sa libre)
Bakit hindi? Bakit hindi?
'Yan ang sabihin sa sarili (yan ang sabihin)
Pagbutihan mo ng maigi (pagbutihan pa)
Kamustahin kung may imposible (oh-oh-oh)
Bakit hindi? Bakit hindi?
'Yan ang sabihin sa sarili ('yan ang sabihin sa sarili)
Bakit hindi? Bakit hindi?
'Yan ang sabihin sa sarili
Bakit hindi? Bakit hindi?
'Yan ang sabihin sa sarili



Авторы: Manalo Jonathan


Gloc-9 feat. Billy Crawford - MKNM (Mga Kwento Ng Makata)
Альбом MKNM (Mga Kwento Ng Makata)
дата релиза
01-07-2012



Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.