Jason Dy - Milagro текст песни

Текст песни Milagro - Jason Dy



Ooh-ooh
Alas tres ng umaga tila tulala, nagising, naalimpungatan
Pabulong sa bituing makinang, hiniling ko sa buwan at baka lang pagbigyan
Masama ba namang pangarapin na tayong dalawa ang magkatuluyan
O mapanaginipan?
Sa 'king mundo, may kulay pa ang bahaghari
Magkasundong pag-ibig ang nagmamay-ari
Magkadugtong sana, nagbabakasakali
Nang biglang may nangyari
Parang nabuksan ang bintana ng langit
Parang nag-iba na ang ihip ng hangin
Nang pinagbigyan ang tadhanang sarado, sagrado
Parang may nangyaring milagro
Madalas madulas, mailap, mabigat tanggapin ang katotohanan
Na ikaw at ako ay iba, malamang, ang damdaming nararamdaman
Alapaap sa layong pangarap ang aking dasal na pagmamahalan
'Di ko kayang labanan
Sa 'king mundo, may kulay pa ang bahaghari
Magkasundong pag-ibig ang nagmamay-ari
Magkadugtong sana, nagbabakasakali
Nang biglang may nangyari
Parang nabuksan ang bintana ng langit
Parang nag-iba na ang ihip ng hangin
Nang pinagbigyan ang tadhanang sarado, sagrado
Parang may nangyaring milagro
Sa 'king mundo, may kulay pa ang bahaghari
Magkasundong pag-ibig ang nagmamay-ari
Magkadugtong sana nagbabakasakali
Nang biglang may nangyari
Parang nabuksan ang bintana ng langit
Parang nag-iba na ang ihip ng hangin
Nang pinagbigyan ang tadhanang sarado, sagrado
Parang may nangyaring milagro
Woah-oh-oh, milagro (parang nabuksan ang bintana ng langit)
Woah-oh-oh, milagro (parang nag-iba na ang ihip ng hangin)
Nang pinagbigyan ang tadhanang sarado, sagrado
Parang may nangyaring milagro
Madalas madulas, mailap, mabigat tanggapin ang katotohanan (oh-ooh-ooh)
Na ikaw at ako ay iba, malamang, ang damdaming nararamdaman (woah-oh-oh, milagro)
Madalas madulas, mailap, mabigat tanggapin ang katotohanan
Na ikaw at ako ay iba, malamang, ang damdaming nararamdaman



Авторы: Proceso Gideon H. Marcelo


Jason Dy - Jason Dy
Альбом Jason Dy
дата релиза
07-08-2015




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.