Kim Aljeon - Kwarto (Sa Panaginip Na Lang) текст песни

Текст песни Kwarto (Sa Panaginip Na Lang) - Kim Aljeon



Tagu-taguan, maliwanag ang buwan
Sa isang iglap, na-isip
Ang nangyari nitong nakaraang araw
Hindi man lang maka-idlip
Ang pangyayaring hindi ko malilimutan, oh
Patuloy ang panunuyo (-nuyo)
Bawat araw, bawat minuto
Hinding hindi na susuko (-suko)
Para lang ako'y mapasa-iyo
Bawat apak ng paa, parang mapapagod na
Tingin ko'y hindi na muling uulit pa
Kahit na mag-mukha akong estranghero sa harap mo
Patuloy kang ninanais ngunit
Sa panaginip na lang
Ayoko nang makipag-tagu-taguan sa iyo
Nais kong ilabas ang nararamdaman ko
Isang pahiwatig lang ang hinihiling ko
Sabihin mo lang kung hindi mo ako gusto
Naglalakad hanggang sa dulo ng walang hanggan
Bigla na nga lang naghiwalay ang dal'wang daan
Ngunit, paano? Sino ang may pakana?
Sa'n na 'to patungo? Yeah
Iminulat ang mata't ipinikit
Gagawin ang lahat, makita ang bituing marikit
Masakit mang isipin na sa isang saglit
Lang ika'y makasama at makayakap sa huli
Pinilit mang pihitin ang makina ng oras
Kabataan ko ma'y unti-unti nang kumukupas
Patuloy ang pag-luha, patuloy ang pagpunas
'Di mapigilan ang damdamin, ilang araw na ba ang lumipas?
'Di na muling maibabalik
Ang nakaraang sandaling
Nangyari sa 'king sarili
Ako'y nahihibang na ba?
Woah-oh
Sa gabi'y nakakulong na lang sa kwarto
Iniisip ka nga, ngunit
Sa panaginip na lang
Ayoko nang makipag-tagu-taguan sa iyo
Nais kong ilabas ang nararamdaman ko
Isang pahiwatig lang ang hinihiling ko
Sabihin mo lang kung hindi mo ako gusto
Kahit na mag-mukha akong estranghero sa harap mo
Patuloy kang hinahanap ngunit
Sa gabi'y umiiyak na lang sa kwarto
Iniisip ka nga, ngunit
Sa panaginip na lang
Ayoko nang makipag-tagu-taguan sa iyo
Nais kong ilabas ang nararamdaman ko
Isang pahiwatig lang ang hinihiling ko
Sabihin mo lang kung hindi mo ako gusto



Авторы: Kim Aljeon


Kim Aljeon - Kwarto (Sa Panaginip Na Lang) - Single
Альбом Kwarto (Sa Panaginip Na Lang) - Single
дата релиза
19-06-2023




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.